top of page
Search
BULGAR

Walang separation pay ‘pag kusang nag-resign

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | August 31, 2023


Dear Chief Acosta,


Boluntaryo akong nagbitiw sa trabaho dahil kailangan kong alagaan ang aking ina na may sakit. Humingi ako ng separation pay sa amo ko dahil mahigit 10 taon ko siyang pinagsilbihan, pero ayaw niyang magbigay. Maaari ko bang obligahin ang aking amo na magbayad ng separation pay? - Keil


Dear Keil,


Ang sagot sa iyong katanungan ay tinalakay ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema sa kasong “Perfecto M. Pascua vs. Bank Wise, et. al.” (G.R. No. 191460, 31 January 2018), na isinulat ng Kagalang-galang na Kasamang Mahistrado Marvic Mario Victor F. Leonen, kung saan nakasaad ang mga sumusunod:


“Pascua’s third letter likewise indicates that he has already accepted the consequences of his voluntary resignation but that it would be subject to the payment of severance pay. However, his claim for severance pay cannot be granted. An employee who voluntarily resigns is not entitled to separation pay unless it was previously stipulated in the employment contract or has become established company policy or practice. There is nothing in Pascua’s Contract of Employment that states that he would be receiving any monetary compensation if he resigns.


He has also not shown that the payment of separation pay upon resignation is an established policy or practice of Bankwise since his third letter indicated that he was unaware of any such policy.


Batay sa nabanggit na desisyon, ang isang empleyado na boluntaryong nagbitiw ay hindi karapat-dapat sa separation pay maliban kung ito ay nauna nang itinakda sa kontrata o naging itinatag na patakaran o kasanayan ng kumpanya.


Ayon sa iyong salaysay, boluntaryo kang nagbitiw sa trabaho at wala kang nabanggit na ang pagbabayad ng separation pay ay itinakda sa iyong kontrata sa pagtatrabaho o naging itinatag na patakaran o kasanayan ng inyong kumpanya. Kaya naman, hindi mo maaaring obligahin ang iyong amo na magbayad ng separation pay.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page