top of page
Search
BULGAR

Walang senyales na huhupa ang bilang ng Covid cases — OCTA

ni Jasmin Joy Evangelista | September 6, 2021



Lumalabas sa trajectory ng OCTA na posibleng maabot ang 25,000 na mga bagong kaso sa susunod na linggo at tinatayang aabot sa 30,000 sa katapusan ng Setyembre.


Dahil dito, sinabi nila na wala pa rin silang nakikitang senyales na huhupa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.


“Ang problema is mabagal din ‘yung… Medyo bumabagal din ‘yung pagtaas ng kaso, [pero] mas tumatagal ‘yung surge natin ngayon kaysa noong nakaraan na surge noong Abril," ani OCTA Research Fellow Guido David.


Naniniwala ang grupo na kung magtutulungan ang lahat ay bababa ang surge sa ikalawang linggo ng Setyembre.


Pero ayon pa sa OCTA, hindi tugma ang mga nangyayari sa ospital sa ulat ng DOH.


“Doon sa data nila, nakalagay okay pa ‘yung kalagayan, hindi pa ganoon kataas ‘yung occupancy. Pero ‘yung mga naririnig rin namin sa mga doctors na kakilala namin at sa mga kasamahan namin sa OCTA… punuan na ‘yung mga hospitals, matagal ‘yung waiting time – mga three to four days," ani David.



Samantala, nakikipag-ugnayan na raw ang DOH sa mga ospital para mas maging tugma ang kanilang datos.

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page