top of page
Search
BULGAR

Walang reported case ng Pinoy na positibo sa COVID-19 sa Shanghai, China — OWWA

ni Jasmin Joy Evangelista | March 29, 2022



Inihayag ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ngayong Martes na wala itong natanggap na report ng mga Pilipino na nagpositibo sa COVID-19 sa Shanghai,China sa gitna ng surge ng coronavirus cases sa lugar.


“Nagkaroon nga talaga ng surge doon dahil nagkaroon ng mga ilang asymptomatic cases nitong March 21. Mayroong mga naramdaman na lockdown at minabuti ng Shanghai government na magkaroon ng contact tracing at mass testing para matunton ‘yung positive cases,” ani OWWA administrator Hans Leo Cacdac sa panayam ng Teleradyo.


“Sa ngayon wala namang nabalitaan na Pilipino na nagpositive, at kung meron man mapapagamot sila ng lokal na pamahalaan nang libre,” dagdag niya.


Siniguro naman ni Cacdac na ang OWWA ay “working hand in hand” sa pakikipag-ugnayan sa Philippine authorities sa China upang masiguro ang welfare ng mga Pinoy sa Shanghai.


“We are working hand in hand with our consulate. Ang pinakamalapit kasing POLO (Philippine Overseas Labor Office) dito ay ‘yung [sa] Hong Kong, working closely with the consulate in Shanghai. Tayo naman ay naka-antabay na tumulong kung mayroon tayong kailangan tulungan,” aniya.


Ayon pa kay Cacdac, apektado rin ang Filipino musicians sa pansamantalang pagkawala ng mga trabaho dahil sa lockdown sa Shanghai.


“Handa naman tayong tumulong sa kanila, ay kung mayroong gustong umuwi ay handa tayong tumulong sa kanilang pag-uwi,” paliwanag niya.

0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page