top of page
Search
BULGAR

Walang putol-kuryente hanggang Dec. 31, 2020

ni Lolet Abania | October 29, 2020




Pormal nang ipinahayag ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pagpapalawig ng polisiyang walang kostumer na mapuputulan ng kuryente hanggang sa matapos ang taon.


Ayon sa ERC, makikinabang dito nang husto ang mga customers na kumokonsumo ng mababang electricity kada buwan.


Ayon sa ipinalabas na advisory ngayong Huwebes ng ERC para sa mga power distribution utilities, “Not to implement any disconnection on account of non-payment of bills until December 31, 2020 for consumers with monthly consumption not higher than twice the ERC maximum lifeline consumption level.”



Ipinaliwanag din ng ahensiya na ang mga gumagamit ng kuryente ng 200 kilowatt-hours (kWh) at pababa kada buwan ang magbebenepisyo sa no-disconnection policy.


Gayundin, para sa mga customers, distributors at retail electricity suppliers, ipapatupad naman ang minimum na 30-araw na palugit para makapagbayad sa lahat ng kanilang payments na umabot na sa due date nito at kung saan isinailalim ang kanilang lugar sa enhanced community quarantine (ECQ) at modified ECQ na walang interes, penalties at iba pang charges.


Nakasaad din sa no disconnection policy ng ERC, anumang unpaid balance matapos na lumampas ang 30-araw na grace period ay maaaring magbayad ng tatlong buwang installment na walang interes, penalties at iba pang charges.


Samantala, ang mga government offices, mga ahensiya ng gobyerno, korporasyong pag-aari at kontrolado ng pamahalaan at iba pang may kaugnayan sa gobyerno ay hindi kabilang sa 30-day grace period at installment payment sa ipatutupad na polisiya, ayon sa ERC.


“In addition to the bill, insert distribution utilities (DUs) and retail electricity suppliers (RES) shall inform their customers through any other available means but shall not be limited to: announcements through social media, radio station announcements, posting in bulletin boards of local government units and/or posting in the DU’s/RES’ website,” ayon pa sa ERC, kung saan ang advisory ay epektibo na sa ngayon.

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page