ni Julie Bonifacio @Winner | June 6, 2024
Sobrang busy si Bacoor City Representative Lani Mercado-Revilla ‘di lang sa mga engagements niya as a public servant kundi pati sa mga natanguang commitments ni Sen. Bong Revilla, Jr..
Until now kasi ay ‘di pa totally healed ang inoperahang paa ni Sen. Bong kaya “nakakulong” ulit sa rest house nila sa Cavite ang kanyang mister.
Kahapon ay special guest si Congw. Lani sa Kasalang Bayan sa Bacoor City at du’n ay inalala niya ang 38th wedding anniversary nila ni Sen. Bong.
Ishinare ni Congw. Lani ang secret ng long relationship nila ni Sen. Bong at binigyang-diin ang importansiya ng civil wedding lalo pa’t mainit na pinag-uusapan ang tungkol sa pagpasa ng Divorce Bill sa Senado.
Malinaw ang stand ni Congw. Lani sa usapin ng divorce, bilang siya mismo ay binigyang-halaga ang kasal niya kay Sen. Bong sa kabila ng napakaraming pagsubok na dinaanan niya bilang misis.
Nag-stay at ipinaglaban ni Congw. Lani ang kanyang pamilya para manatiling buo at matatag. At ngayon, nagbungang lahat ang naging desisyon ni Congw. Lani na mag-stay kay Sen. Bong, kaya malabo talaga na pumabor siya sa divorce.
Nu’ng eksklusibong makausap namin si Congw. Lani pagkatapos ng Kasalang Bayan ay ini-reveal niya sa amin ang kanyang boto sa Kongreso ukol sa Divorce Bill.
Nag-no raw si Congw. Lani pero nanalo pa rin ang bumoto in favor sa Divorce Bill. Kaya ang Senate naman ang magbibigay hatol dito.
Samantala, kung “no” si Congw. Lani Mercado, mukhang iba naman ang pananaw ni Sen. Bong Revilla, Jr. tungkol sa divorce.
Sa recent vlog kasi ni Sen. Bong, tila nagbigay na siya ng senyales na pumapabor siya sa divorce.
Napag-usapan ang ukol sa divorce nu’ng dalawin si Sen. Bong sa kanyang rest house sa Cavite ng kanyang long-time friend at dating character actor na si King Gutierrez.
Dumalaw si King kay Sen. Bong upang magpasalamat sa tulong na ginawa sa kanya ng actor-politician nu’ng maospital ang character actor.
For the second time ay inatake sa puso si King. Mula sa isang private hospital sa Cavite ay inilipat daw ito sa Philippine Heart Center. Laking gulat daw ni King nu’ng malaman niya na wala siyang babayaran sa nabanggit na ospital dahil binayaran na raw ni Sen.
Bong ang buong bill niya sa Phil. Heart Center.
Kaya bilang pasasalamat, dinalaw ni King at ng kanyang pamilya si Sen. Bong sa rest house nito habang nagpapagaling.
Nag-live sa kanyang Facebook page si Sen. Bong nu’ng dinalaw siya ni King. Tinanong ni Sen. Bong si King sa pananaw sa divorce, pagkatapos ay nag-share ng kanyang thoughts sa divorce ang senador.
Based on Sen. Bong’s statement, parang magkaiba sila ng kanyang misis ng paniniwala tungkol dito.
Comments