ni Janiz Navida @Showbiz Special | Nov. 12, 2024
Masusubaybayan na ng mga Pilipino saanmang sulok ng mundo ang pinakamalalaking pangalan sa Philippine radio sa pinagkakatiwalaang news, public service, at entertainment programs ng True FM.
Na-stroke pala ang True FM radio DJ na si Laila Chikadora at na-confine ng isang buwan sa ospital.
Sa mediacon last Saturday sa Ynares Center para sa launching ng True FM na dating napapakinggan sa 92.3 FM station at ngayon ay mapapakinggan na sa 105.9 sa Metro Manila, naikuwento ng host ng programang Shoutout ang nangyari sa kanya, na sabi nga niya ay second life na niya.
Aminado ang 48-year-old DJ na sa dami ng trabaho niya, hindi maiwasang ma-stress, mapagod at mapuyat at isang araw, bigla na lang daw niyang naramdaman na sobrang sakit ng ulo niya.
Nang ipa-checkup niya ito, ayon sa doctor ay tension headache ang nangyari sa kanya, pero nang ipa-MRI siya, ru'n nakita na nagkaroon pala ng pagbabara sa kanyang nerve sa brain kaya na-stroke na pala siya nang hindi pa niya nalalaman.
Isang buwang na-confine ang magaling na DJ — na para naman kasing laging 101% ang energy at 'di napapagod magsalita (hahaha!) — pero ngayon, balik-trabaho na nga si Laila Chikadora at imbes mabawasan, nadagdagan pa raw ang loads niya sa True FM 105.9.
Pero okay lang naman daw dahil nae-enjoy niya ang kanyang ginagawa sa Shoutout show niya na napapakinggan tuwing 8 PM to 9:30 PM.
Anyway, mas masusubaybayan na ng mga Pilipino saanmang sulok ng mundo ang pinakamalalaking pangalan sa Philippine radio sa pinagkakatiwalaang news, public service, at entertainment programs ng True FM sa paglulunsad ng True Network ng True TV at True Digital nito.
Simula ngayon, matutunghayan na ng mga listeners ang paboritong nilang mga programa tulad ng Wanted sa Radyo, Ted Failon at DJ Chacha, at Sana Lourd sa True TV sa Channel 19 ng Cignal TV. Para naman sa mga mahilig mag-stream online, merong live at on-demand content na available sa True Digital YouTube channel, @TrueNetworkPH.
Patuloy namang maghahatid ang True FM ng de-kalidad na radio content nationwide sa 105.9 sa Metro Manila, kabilang ang regional frequencies na 106.7 sa Davao, 101.9 sa Cebu, 101.5 sa Cagayan De Oro, 99.9 sa Ormoc, at 104.7 sa Tacloban.
Kasama sa pinalawak na lineup ng True Network ang Heart 2 Heart, Cristy Ferminute, Good Morning Bayan kasama si Ruth Cabal, Frontline Pilipinas, Shoutout, Match Made, Dr. Love, at Sagot Kita.
Dating nakulong at na-rehab… GINA PAREÑO, NATUTONG MAGSIMBA TUWING LINGGO DAHIL KAY DR. LOVE
PERSONAL na rin naming na-meet ang idol radio DJ-broadcaster namin na napakagaling magpayo pagdating sa usaping pag-ibig at buhay-buhay na si Brother Jun Banaag na mas kilala sa tawag na Dr. Love sa ginanap na True FM 105.9 launch sa Ynares Center, Antipolo.
Tinanong namin si Dr. Love sa Q&A sa mediacon kung hindi ba siya naba-bash sa pagri-real talk niya sa mga humihingi sa kanya ng payo, na minsan, talagang nasosopla at nabu-bull's eye niya ang mga ito.
Diretsong sagot naman ni Dr. Love, kailangan daw niyang i-real talk talaga ang mga humihingi ng payo dahil hindi puwedeng mag-sugarcoat siya ng kanyang sasabihin para lang i-please ang mga ito.
Pinaprangka raw niya ang kanyang mga callers-listeners lalo na kung mali na ang ginagawa dahil kailangan nilang magising sa katotohanan at maitama ang kanilang mga mali, although advice lang naman daw ang kaya niyang ibigay at depende pa rin 'yun sa tao kung ano'ng magiging desisyon nila sa buhay.
Naitanong nga rin namin kung may mga celebrities na rin bang lumapit sa kanya para humingi ng payo, at pag-amin niya without mentioning any names, meron na raw tatlong babae (2 artista at 1 singer) at 2 famous actors na nag-consult sa kanya pero siyempre, hindi na ito inere sa kanyang programang Dr. Love, personal na lang niyang binigyan ng advice.
Ang naikuwento lang niyang celeb na natulungan niya at natuto na raw magsimba every Sunday matapos niyang makausap at naging kaibigan pa niya ay ang aktres na si Gina Pareño.
Matapos makulong at ma-rehab, dumating daw sa point na gusto na ng kapayapaan ng aktres kaya lumapit sa kanya at binigyan niya ng advice kaya nagbalik-loob kay Lord.
Para kay Dr. Love, malaking achievement na kapag may mga tao siyang natutulungan at nababago ang buhay dahil sa kanyang mga payo.
Napapakinggan naman ang Dr. Love sa True FM 105.9 every Monday to Friday, 9:30 PM to 11:30 PM.
Talbog si Diwata… DIEGO, ENDORSER NA, MAGKAKA-BILLBOARD SA 'PINAS AT SOUTH KOREA
TUWANG-TUWA ang Bubble Gang comedian at ngayon ay associate producer na rin pala ng naturang gag show na si Diego Llorico na finally, after 29 yrs. niya sa showbiz ay nagkaroon na rin siya ng first endorsement.
Last Friday night, nag-contract signing na si Diego bilang first-ever endorser ng Reels N Pay Organic Barley with Korean Ginseng.
Aminado si Diego na at his age now, kailangan na talagang alagaan ang katawan at kalusugan kaya gusto niyang maka-inspire at makatulong sa iba na maging healthy.
And take note, ang bongga ni Diego, ha? Bilang first endorser ng Reels N Pay Organic Barley with Korean Ginseng, magkakaroon daw siya ng billboard hindi lang dito sa 'Pinas kundi maging sa South Korea!
Biniro nga namin siyang natalbugan niya si Diwata na sa EDSA lang may billboard, then may nag-comment on the side na isang Marites na si Diwata rin naman daw ang gumastos para sa kanyang electronic billboard.
Naku, may ganern?! Haha!
Anyway, ani Diego ay ipapatikim din niya sa kanyang mga kaibigan at co-stars sa Bubble Gang ang ineendorso niyang barley drink na nu'ng una niyang matikman ay nasarapan daw talaga siya.
תגובות