ni Angela Fernando - Trainee @News | December 21, 2023
Nagpahayag si General Romeo Brawner Jr., hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP), nitong Huwebes, na nakatutok ang AFP sa pagtataguyod ng integridad ng teritoryo ng 'Pinas sa ilalim ng batas pandaigdig.
Sinabi ito ni Brawner sa ika-88 anibersaryo ng AFP habang binabalikan ang pahayag ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. sa kanyang nakaraang State of the Nation Address.
Saad niya, “With the statement of our commander-in-chief, President Ferdinand R. Marcos Jr.–saying the Philippines will not give up a single square inch of its territory, we will continue to uphold our territorial integrity and sovereignty in accordance with our institution and with international law.”
Dagdag niya, pinagtitibay nila ang mga operasyong nangangalaga sa teritoryo ng bansa sa pamamagitan ng pagpapaigting ng presensya sa mga karagatang nasasakupan ng 'Pinas bilang tugon sa mga pagsubok na kinakaharap ng soberanya.
Nagpaalala rin ang AFP chief na matagumpay lagi ang Pilipinas laban sa mga pagsubok sa loob o labas man ng bansa.
Comments