top of page
Search
BULGAR

Walang maka-match? Read mo ‘to! Tips para mag-stand out sa dating app

ni Mharose Almirañez | April 24, 2022





Kasabay ng pag-usbong ng makabagong teknolohiya ay nagsimula na ring magbago ang lifestyle ng bawat indibidwal. Dito nga’y naging mas dependent na sila sa internet at ultimo paraan ng panliligaw ay puwede na ring gawin online.


Batay sa research, noong 2013 ay umabot sa 350 million swipes kada-araw o 4,000 users per second ang gumagamit ng Tinder at patuloy pa itong tumaas hanggang pumalo sa 9.6 million ang Tinder users noong 2021. Samantala, ayon naman sa Bumble Modern Relationships Study, 2021, halos kalahati o 49% ng mga Pinoy na na-survey ang naniniwalang posible para sa isang tao na umibig sa pamamagitan ng dating applications.


Sa tulong ng online dating apps na Tinder at Bumble, naging madali sa karamihan na makahanap ng karelasyon. Pero paano nga ba mag-i-stand out ang iyong profile sa kabila ng napakaraming users na tulad mo ring searching for true love?


Dahil dating tambay sa Tinder ang inyong lingkod, narito ang ilang bagay na dapat mong gawin kapag gumawa ka ng online dating account:

1. MAGLAGAY NG INTERESTING PHOTOS. ‘Wag puro naka-swimsuit, topless o halos ibenta mo na ang buong katawan mo para lamang may mag-swipe right sa ‘yo. Sa halip, pumili ka ng pictures na nagsasaad ng profession, hobby o pagiging adventurous mo. May ilan kasi na mas gustong maka-match ay ‘yung outgoing individuals. Lagyan mo na rin ng pamatay-selfie na nagpapakita nang napakaganda mong ngiti, kung saan parang hini-hypnotize mo siya at mapapa-super like talaga siya sa ‘yo. May iba namang pa-mysterious, lowkey, aesthetic o cryptic photos ang inilalagay. As long as interesting ang photo mo, goods na ‘yan, beshie. Tandaan mong pictures ang pinakamahalagang parte ng online dating dahil d’yan unang bumabase ang karamihan kung isa-swipe left o right ka nila.


2. MAGLAGAY NG INTERESTING BIO. Kadalasan ay mahigit 200 word counts lamang ang puwedeng isulat sa bio, but it doesn’t matter how long, ‘coz the shorter intro, the better. Sabi nga nila, Keep It Short & Simple (KISS). ‘Wag na ‘wag mong ilalagay ang talambuhay mo bilang panimula dahil walang magtitiyagang magbasa niyan at saka paano ka pa niya kikilalanin kung idinetalye mo na sa intro ang lahat ng dapat niyang malaman sa iyo? Beshie, subukan mong maglagay ng one liner intro mula sa lyrics ng paborito mong kanta, saying, quotes, emojis o kahit ano na makaka-catch ng attention. ‘Yung iba nga, wala nang intro-intro, eh!


3. MAG-VERIFY NG ACCOUNT. Sa dami ng nagkalat na poser sa social media ay mahirap nang ma-distinguish kung legit ang iyong kausap o hindi, kaya may ilang users na mas gustong i-swipe right ang naka-blue verified account para sure na siya talaga ‘yung nasa picture. Madali lang namang mag-verify ng account, beshie. Bale gagayahin mo lang ‘yung pose na ipapakita on screen, and that’s it. Parang online shopping lang din ‘yan. Siyempre, mas gusto nating mag-add to cart sa verified shop, ‘di ba?


4. I-ADJUST ANG AGE RANGE/LOCATION SETTINGS. Para madali mong ma-filter out ang profile ng mga tao na gusto mong makita sa feed, baguhin mo ang settings ng iyong account. Nakakatamad namang mag-swipe nang mag-swipe kung 27 years old ka na, tapos puro bagets ang nakikita mo sa feed. By that age, siyempre mayroon ka ng ideal person na gustong maka-match. Kung gusto mo na puro young professionals ang makita mo, i-adjust mo sa 25-31 years old ang age range mo. I-adjust mo na rin ang location settings kung ayaw mo na puro foreigner ang nakikita sa feed. Lalabas naman ‘yung age at kung ilang kilometers o miles away sila, eh!


5. MAG-SUBSCRIBE SA GOLD O PLATINUM SUBSCRIPTIONS. Hindi ito advisable, pero kung gusto mo talagang mag-stand out ang iyong profile, si Tinder na mismo ang magbu-boost sa ‘yo para mag-pop nang mag-pop sa feed ng ibang users, once in-avail mo ‘yung gold subscription. Ang kagandahan pa nito ay puwede mong makita kung sinu-sino ‘yung mga nag-swipe right sa ‘yo, kaya hindi ka na mauumay kaka-swipe dahil mamimili ka na lang ng profiles na gusto mong i-swipe back, and then boom! It’s a match!


Gayunman, hindi porke nag-match kayo ay magiging dyowa mo na siya agad. Siyempre, galingan mo rin sa pakikipag-talking stage at huwag puro mixed signals ang ipararamdam mo. Bantayan mong maigi ang red flags at siguraduhing single talaga ang kausap mo.


Sa panahong uso ang online dating, napakasuwerte mo kapag nakatagpo ka ng organic na pagmamahal. ‘Yung typical love story kung saan pumunta ka lang sa party at nagkabanggaan kayo tapos inabot niya sa ‘yo ‘yung nahulog mong panyo, tapos nagpalitan na kayo ng cellphone number at nagkamabutihan. O kaya naman ay siya pala ‘yung schoolmate mo nu’ng elementary, tapos nagkita ulit kayo makalipas ang ilang taon at nagka-inlaban. Puwede ring ‘yung best friend o childhood friend mo na umamin sa ‘yong mahal ka pala dati pa. Oh ‘di ba, sana all ganyan kaganda ang twist ng love life.


Pero habang hindi mo pa natatagpuan ang “the one”, mag-enjoy ka muna sa pagsu-swipe left and right at galingan ang pakikipag-usap sa iba’t ibang tao. Sabi nga nila, talking stages ang hahasa sa iyong communication skills. Kung mag-level up man kayo o yayain ka na niyang makipag-meet up, aba’y congratulations, beshie!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page