ni Ador V. Saluta @Adore Me! | August 4, 2024
Masayang binisita ng mga fans sina Kathryn Bernardo at Alden Richards na nagsu-shooting ngayon ng kanilang movie, ang Hello, Love, Again (HLG), sa Calgary, Canada.
Dinagsa ng mga fans ang location shooting ng dalawa at hinarap naman sila nina Kathryn at Alden.
Three weeks mananatili ang KathDen sa Canada at ipapalabas ang HLG sa November 2024.
Kaht bihira raw mag-post ng larawan ang KathDen, aktibo naman ang mga fans sa pagpo-post ng mga kaganapan ng mga bida sa Canada.
Balita ngang spotted ang KathDen na nagde-date sa ilang magagandang lugar sa Canada kapag may free time sila.
Tikom ang bibig ng bumubuo ng production kung layunin ba nilang maka-P 1 billion sa pagpapalabas nito sa mahigit 200 theaters nationwide.
Tatay na doktor, proud na proud din… ANAK NI DONNA CRUZ, MAGNA CUM LAUDE SA KURSONG MEDICAL BIOLOGY
Matatandaang ipinagpalit noon ni Donna Cruz ang kanyang kasikatan nu'ng namamayagpag ang kanyang singing career nu'ng dekada ‘90, kung saan ay mas pinili niyang maging asawa ni Dr. Potenciano “Yong” Larrazabal III na nag-aaral pa noon sa kursong Medisina. Ito ‘yung mga panahong isa si Donna sa mga pinakasikat na singer-aktres sa mundo ng showbiz.
Fast forward after three decades, tila hindi nagkamali ng desisyon si Donna na manatiling isang Mrs. Larrazabal na tubong-Cebu. Naging maganda naman kasi ang kapalaran ni Donna sa piling ni Dr. Yong after nilang magkaroon ng mga anak na ngayo’y lumaking successful sa kanilang mga piniling kurso.
Gaya ng panganay niyang anak na si Cian Larrazabal na gumradweyt sa Bachelor’s Degree in Medical Biology nitong July 29, 2024.
Pahayag ni Dr. Yong, “My boy is graduating magna cum laude today! I couldn’t be any prouder. Cian is finishing his Bachelor’s Degree in Medical Biology today. Congratulations, son!”
Dagdag pa ni Dr. Yong, “Your mom and I are beaming with pride at your accomplishment and because of what you have done with the opportunities presented to you.
“You did not waste the chance to carve your own dreams and aspirations.”
Sa kanyang mensahe sa anak, nais niyang ipagpatuloy ang nasimulan nitong pangarap.
“May you continue to do great so you may do good for others. Remember that every accomplishment is not only ours to celebrate, but also for others to benefit from.
“May your degree be more than just a piece of paper. I hope it also serves as a call to be there for the community,” mahabang mensahe ni Dr. Yong para sa anak.
תגובות