ni Nitz Miralles - @Bida | May 26, 2021
Masaya ang guesting ni Sanya Lopez sa Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition noong May 22 nang maglaro sila ni Cassy Legaspi ng "Jojowain o Totropahin" Challenge.
Unang binanggit ni Cassy ang pangalan ni Alden Richards na ikinagulat ni Sanya dahil ini-expect nitong ihuhuli ni Cassy ang pagbanggit sa pangalan ng aktor.
Jojowain ang sagot ni Sanya kay Alden dahil kilala niya ito na mabait na tao. “Nakasama ko ‘yan before sa Encantadia. Napakabait na tao niyan, grabe. Feeling ko, siya ay pang-jowa. Sino ba naman ang hindi magsasabing hindi pang-jowa si Alden, ‘di ba? Deserve niya ang lahat ng blessings na natatanggap niya dahil mabait siya.”
Sunod na binanggit ni Cassy ang pangalan ni Rayver Cruz at dito inamin ni Sanya na matagal na niyang crush si Rayver, kaya jojowain niya ito.
“Si Rayver Cruz, bata pa lang ako, talagang ‘pag napapanood ko na siyang sumayaw, grabe, crush na crush ko si Rayver.”
Last na binanggit ni Cassy si Gabby Concepcion na leading man ni Sanya sa First Yaya.
“Nakilala ko siya na parang formal, ‘yan ang first impression ko sa kanya. Noong first locked-in taping namin, doon ko siya nakilala at kung paano siya kabait at gaano siya ka-professional. Kaya naman, jojowain.”
So far, wala pang umaaway kay Sanya na AlDub fans o fans nina Rayver at Janine Gutierrez. Sa kaso ni Gabby, kinikilig ang mga viewers ng First Yaya sa kanila at very private ang wife ni Gabby, hindi nakikialam sa showbiz career ng aktor.
Also, close sina Gabby at Sanya at kita ito sa BTS (behind-the-scenes) sa taping ng rom-com series nila. Komportable si Sanya sa aktor at naimbitahan na nga ni Gabby si Sanya at ibang cast ng series nila sa beach house niya sa Lobo, Batangas.
Comments