top of page
Search
  • BULGAR

Walang kayod… MATTEO, DYULALAY NI SARAH, TAGABITBIT NG GAMIT

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 4, 2024



Showbiz news

“Wala bang work si Matteo (Guidicelli)?” ang tanong sa amin ng kilalang direktor-producer.


Siyempre, tinanong namin kaagad kung bakit, at ang sagot sa amin, “Nakikita ko kasi sa mga video na tagabitbit s’ya ng gamit ni Sarah (Geronimo-Guidicelli), kung saan-saan sila nagpupunta.”


Sagot namin, “Siyempre, supportive husband s’ya sa misis n’ya kapag may event ito o may trabaho, at natural lang naman ‘yun.”


Kuwento sa amin ng kausap naming direktor-producer, “So, wala nga! Kasi kung may work ka, siyempre ay ‘di mo naman laging masasamahan ang asawa mo at ipapaubaya mo ‘yun sa personal assistant (PA), hindi ‘yung may dalang maleta, may dalang bag, may dalang tubigan at sa kabilang kamay, may bitbit din. Si Sarah, bag lang ang bitbit.” 


At may napanood nga kaming reels na kuha ng mga netizens na ang senaryo ay papasok si Sarah sa isang bahay at nakasunod si Matteo na bitbit ang mga gamit ng asawa.


Sa pagkakaalam din naman namin, gusto rin itong gawin ng aktor na samahan ang asawa, at baka nga hindi siya busy dahil kahit sa negosyo ay magulang naman niya ang nag-aasikaso.


Bigla tuloy naming naalala ‘yung biruan daw sa circle nila na tila nag-suggest si Matteo sa Viva na gumawa sila ng pelikula ni Sarah pero tumanggi raw kaagad ang singer-actress at nagbirong, “Ayoko nga, baka mawalan pa ako ng career.”


Totoo nga kaya ang sinabing ito ni Sarah o baka talagang biniro lang niya si Matteo?

Well, bakit nga hindi na lang sila ang magtambal kapag bumalik na ang aktres sa paggawa ng pelikula?


 

Wala talagang pinipiling edad ang pag-aaral, at muli itong napatunayan ng aktres na si Arlene Muhlach na sa edad na 55 ay kabilang sa mga nagmartsa sa katatapos na 101st Commencement Exercises ng Philippine Women's University (PWU).

Base sa mga larawang ipinost ni Arlene sa Instagram (IG), naka-toga siya at hawak ang diploma, kasama ang pamilya. 


Sa kanyang mahabang caption, sey ni Arlene, “I stopped my college studies in my third year many years ago when work was offered to me. Then my family came, and my priorities changed.


“Proving that it is never too late to fulfill a longstanding goal, I now have a degree in Bachelor of Arts in Communication from Philippine Women’s University @mypwu_official.


“I’m thankful to all my professors and blockmates (I had so many questions, Hahahaha!) in the ETEEAP program for their faith in me and my abilities. Special mention to Prof. #Gentica for allowing me to experience campus life for a few hours after so long!


“Thank you to my husband @warrendandoy and children @aliyah.dandoy @augustomuhlachd who boosted my morale when I was ready to give up. To my office mates at the IRS in the Commission on Appointments who were patient in helping me pursue this dream, you are appreciated.”


Sey pa nga ni Arlene, “Age is just a number; determination and passion are what truly matters.”


Maraming kasamahan si Arlene Muhlach sa showbiz na buong-puso siyang binati kasama na ang mga pamangkin, mga kamag-anak at mga kaibigan.


 

KAGAGAWAN ni Rosanna Roces (Osang) bilang si Boss Divina ng FPJ’s Batang Quiapo (BQ) kung bakit nagbago ang imahe ni Coco Martin sa karakter nitong Tanggol kasama ang tropa niya. 


Si Boss Divina kasi ang bagong kasosyo ngayon ni Tanggol at tutulong para yumaman, kaya kailangang baguhin ang kanyang pananamit.


Mayaman at bagong bihis na si Tanggol na mapapanood sa BQ. Ibinenta kasi nito ang diyamanteng Star of Venus kay Boss Divina at bilang kapalit ay magiging magkasosyo sila sa negosyo na milyun-milyon ang halaga.


Sa kabila ng pagyaman ni Tanggol, mukhang hindi pa rin siya tatantanan ng kaliwa’t kanang gulo dahil makikilala niya ang ilang makapangyarihang grupo na sangkot sa ilegal na negosyo.


Sabik naman ang mga netizens sa bagong Tanggol at inaabangan na rin nila ang mas kapana-panabik na action scenes.


May mga netizens na ang nakapanood nitong Lunes nang gabi ng bagong bihis nito at ang komento ni Emilia Corpuz, “Wow, astig ang dating mo, Idol Pogi!”


Sabi rin ni MRose Strong, “Wow, nakaka-excite naman ang mga susunod na kabanata.”

Ayon naman sa Tiktok user na si Jopay, “Lalong gumaganda ang Batang Quiapo. Nice Tanggol, abangan namin.”


Anyway, abangan ang BQ gabi-gabi, 8 PM, sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.


0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page