top of page
Search
BULGAR

Walang helmet at nakainom, dapat patawan ng mataas na multa

ni Ryan Sison @Boses | Jan. 4, 2025



Boses by Ryan Sison

DAPAT na sigurong taasan ang ipapataw na multa para sa mga lumalabag o pasaway sa mga lansangan para maiwasan ang anumang disgrasya. 


Umakyat na kasi sa kabuuang 577 aksidente sa kalsada sa ating bansa mula December 22, 2024 hanggang Enero 2, 2025, matapos na maitala ng Department of Health (DOH) ang 33.5  porsyento na pagtaas kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.


Ayon sa DOH, anim sa naturang bilang ang nasawi kabilang ang apat na nakamotor.

Nabatid na hindi bababa sa 500 indibidwal ang kulang o walang safety gear gaya ng hindi pagsusuot ng mga helmet at seatbelt, nasa 108 ay sangkot sa aksidente na nakainom ng alak, at 415 naman ang related sa mga motorcycle accidents.


Patuloy naman ang paalala ng kagawaran na palaging magsuot ng safety gears bago magmaneho, gayundin, huwag magmaneho ng lasing o nakainom at sundin ang mga traffic rules at road signage upang maging ligtas ang pagbiyahe.


Marahil, napapanahon nang taasan ang magiging multa para sa mga makukulit at hindi sumusunod na mga rider at angkas na wala o hindi nagsusuot ng helmet, lalo na iyong mga nasa lalawigan, gayundin ang mga sasakyang walang seatbelt o hindi nagse-seatbelt at ang mga nagmamaneho nang nakainom.


Sa ganitong paraan siguro ay mababawasan ang nangyayaring aksidente sa lansangan at marami ang matututong sumunod sa ipinapatupad na batas-trapiko dahil siyempre ayaw nilang mapatawan ng mataas na multa sa nagawang paglabag.


Kumbaga, manghihinayang din sila sa malaking ibabayad o penalty kaya ang resulta darami ang magiging disiplinadong mga motorista.


Kaya payo natin sa mga kababayan na huwag nang matigas ang ulo, pairalin natin lagi ang pagiging responsable nang sa gayon ay maiwasan natin ang anumang aksidente sa lansangan.


 

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page