ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 6, 2023
Sa totoo lang, muntik naming maunahang umiyak si Superstar Nora Aunor du’n sa storycon ng bagong pelikula nila nina Alfred Vargas at Gina Alajar na Pieta nang ikuwento ni Ate Guy ang dahilan kung bakit nananatili siyang humble at walang pretensiyon sa buhay.
Naitanong kasi namin kay Ate Guy kung bakit hindi tulad ng ibang artista na ‘kontrolado’ ang buhay dahil may image na kailangang protektahan, siya ay tipong wapakels sa kanyang image sabihin pang Superstar siya at kung ano ang totoo, ‘yun talaga ang gagawin at sasabihin niya.
Dito nga nag-throwback si Ate Guy na kaya raw very humble at down-to-earth pa rin siya at “what you see is what you get” ang style ay dahil sa naranasan niyang kahirapan nu’ng kabataan niya.
Nu’ng elementary pa raw kasi siya at wala pa sa showbiz, dahil siya ang panganay sa maraming magkakapatid at walang magandang trabaho ang kanyang mga magulang, siya ang pinatatakbo ng nanay niya para magdelihensiya sa kanilang isasaing.
One time raw, alas-dose na nang tanghali, wala pa silang maisaing na bigas kaya inutusan siya ng nanay niya na mangutang sa mga tindahan. Inisa-isa naman daw ni Ate Guy ang mga tindahan na lahat ay tinanggihan siya maliban sa isang nagpautang sa kanya ng bigas.
Dahil sa pagmamadali habang pauwi ng bahay, natalisod daw siya at natapon ang bigas.
Dahil ‘yun na nga lang ang inaasahan niyang kakainin nila, isa-isa raw niyang dinampot ang mga butil ng bigas kahit may kasama nang buhangin.
Napaiyak daw siya sa sitwasyon niyang ‘yun at mula noon ay naipangako niya sa sarili na kapag nagkapera siya, tutulong siya sa mga nangangailangan dahil alam niya ang pakiramdam ng mahirap.
Kaya naman ang hirit ni Ate Guy, “Pulubi pa rin ako,” dahil hindi nga niya mahindian ang mga nanghihingi ng tulong kahit huling sentimo na lang ang pera niya.
Kaya sa mga nag-iisip na dahil Superstar at National Artist naman si Ate Guy, alam n’yo na, ha?!
CEO ng Brilliant Skin GLENDA, UMAMING TYPE NA TYPE SI ALDEN
Finally ay nagsalita na ang dating PBB Kumunity house guest-turned businesswoman at CEO ng Brilliant Skin Essentials na si Ms. Glenda Victorio sa hiwalayan nila ng mister na si Mart Crispher Victorio matapos ang anim na taong pagsasama.
Sa ginanap na mediacon para sa #Pinakamaningning concert ng Brilliant Skin na magaganap sa Smart Araneta Coliseum sa Martes, Feb. 7, nagpakatotoo na ang maganda at batambata pang CEO sa edad na 25 na masaya na siya being single at ang mga anak na lang daw ang kanyang pag-ibig sa ngayon.
Nilinaw niyang walang third party sa hiwalayan nila, pero dumating na lang daw talaga sila sa puntong kailangan na nilang maghiwalay dahil hindi na magkasundo sa mga priorities sa buhay.
Ilang beses pa raw sinubukan ni Glenda na ayusin ang relasyon nila ng mister pero na-feel niya na wala na raw talagang chance.
Sa ngayon ay inaayos na nila ang kanilang legal separation kaya hindi pa raw siya ready na magmahal uli, kahit inamin niyang kilig na kilig siya sa isa sa mga guests niya sa kanyang upcoming concert na #Pinakamaningning na si Alden Richards.
Anyway, don’t miss the #Pinakamaningning concert sa Big Dome sa Feb. 7 dahil makakasama ni Glenda ang mga Brilliant Skin ambassadors niya na pinangungunahan nina Andrea Brillantes, Zeinab Harake, Korina Sanchez, Sen. Raffy Tulfo at marami pang iba.
Inaasahan ding a-appear sa concert ang mga singers na sina Morissette Amon, Jona Viray, bandang Mayonnaise at Kamikazee, Seth Fedelin, Jillian Ward, Adie, MC & Lassy at Drag Queens.
Sina Rabiya Mateo at Sam YG naman ang mga tatayong hosts kung saan ang focus ng concert ay tungkol sa life’s journey ng Brilliant Skin Essentials CEO na si Glenda Victorio.
The concert is free kaya mga Ka-Bulgar, ano pa’ng hinihintay n’yo, visit n’yo na ang Brilliant Skin social media account at alamin kung paano makakakuha ng free tickets.
Comentarii