top of page
Search
BULGAR

Walang brownout sa 2022 elections — DOE

ni Jasmin Joy Evangelista | September 3, 2021



Ipinahayag ni Energy Secretary Alfonso Cusi na walang dapat ikabahala ang publiko tungkol sa suplay ng kuryente sa 2022 lalo na sa panahon ng eleksiyon.


Ito ay dahil mayroon daw sapat na suplay ng kuryente para sa bansa.


"Makikita natin sa initial forecast na ito na sapat ang supply, walang yellow alert. Kita po ninyo, walang lumalampa --- bumababang green bar doon sa yellow line at wala rin pong power interruption dahil sa supply...Sa madaling salita, ginagawa po lahat natin upang masiguro na may enough supply tayo ng kuryente sa darating na halalan sa 2022 and beyond," ani Cusi nu'ng Huwebes nang gabi.


Para raw magawa ang mga ito, pinaghahandaan na ng buong energy sector ang ilang scenario na maaaring makaapekto sa energy supply, tulad ng natural gas restrictions, forced outages, maintenance adjustments ng mga planta ng kuryente, demand sa interruptible load program at iba pa.


Mayroon din umanong partnership ang gobyerno sa Japan katuwang ang pribadong sektor para sa pag-develop ng liquified natural gas facilities sa bansa.


"Ang development ng LNG mula sa partnership po ng AG&P at Osaka Gas ay maaaring magsimula ng commercial operation by second quarter of 2022.


At ang partnership naman po ng First Gen ay maaaring --- and Tokyo Gas is due for commercial operation by the third quarter of 2022," paliwanag ni Cusi.


Bukod pa rito, patuloy pa rin aniya ang pag-aaral ng DOE sa paggamit ng nuclear energy at ang potential use ng hydrogen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page