ni Jasmin Joy Evangelista | March 3, 2022
Walang banta ng tsunami sa Pilipinas matapos yanigin ng 6.8 magnitude na lindol ang Kermadec Islands sa New Zealand nitong Miyerkules ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
“No destructive tsunami threat exists based on available data. There is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” pahayag ng PHIVOLCS sa isang advisory nitong Miyerkules.
Batay sa datos ng PHIVOLCS, tumama ang lindol 30.2°S,177.8°W malapit sa Kermadec Islands, New Zealand bandang 8:52 p.m. May lalim itong 34 kilometers.
Dagdag pa ng PHIVOLCS, walang dapat gawing aksiyon hinggil sa naturang malakas na paglindol.
Comments