ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 22, 2021
Hindi inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng face-to-face classes sa bansa hangggang wala pang bakuna, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Saad ni Roque, “Nagdesisyon na po ang Presidente, wala pa rin po tayong face-to-face classes sa bansa.
“Tumawag po ang Presidente kagabi sa akin at sabi niya, ayaw po niyang malagay sa panganib ang buhay ng ating mga mag-aaral at mga guro habang wala pa pong nababakunahan sa bansa.”
Gayunpaman, umaasa rin umano ang pangulo na makapagsasagawa na ng face-to-face classes sa mga low-risk na lugar sa Agosto.
Aniya, “Sabi niya, may awa naman po ang Panginoon, baka naman po pagkatapos natin malunsad ang ating vaccination program, eh, pupuwede na tayong mag-face-to-face sa Agosto lalung-lalo na sa lugar na mababa ang COVID cases.”
Comentários