top of page
Search
BULGAR

Wala raw siyang kunsensiya… SIGAW NI DIREK DARRYL: CHERRY PIE, OA, NOT ONCE BUT TWICE!

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters! | February 14, 2023




Hindi pinalampas ng small but terrible director na si Darryl Yap ang one liner ni Cherry Pie Picache na, "May kunsensiya pa ba siya?"


Nag-ugat ang one-liner statement na ito ng aktres sa ginanap na mediacon ng pelikulang Oras de Peligro nu'ng Linggo dahil natanong si Pie kung okay sa kanyang gumanap na Madam Imelda R. Marcos at si Direk Darryl ang magdidirek.


Maganda naman ang sagot ng aktres na sabi niya, “Depende sa konteksto ng pelikula, sa script, why not? Pero by Darryl Yap, no!”


Sumunod na tanong ay bakit ayaw niyang magpadirek kay Darryl, at sagot niya, “Ewan ko. May kunsensiya pa ba siya?”


Nabanggit namin kay Cherry Pie sa one-on-one interview na tiyak na may sagot sa kanya si Direk Darryl sa maanghang niyang sinabi at kung nakahanda na ba siya. Natawa sa amin ang aktres at sabay sabing, "Huwag na nga natin siyang pag-usapan."


At hindi nga kami nagkamali, dahil heto at trending na nga ang sagot ng direktor na ipinost niya sa kanyang Facebook page na as of this writing ay nasa 436 shares, 21,000 likes/love at 2,400 comments.

Published as is…


“Aking Reaksyon tungkol sa Pahayag ni Ms. Cherry Pie Picache.


“Tinatanong po ni Miss Cherry Pie Picache kung may konsensya pa raw ba ko dahil sa mga Marcos films na ginagawa ko.


“Sasagutin ko po ang tanong nya, ng dalawang tanong.


“1. Alin kaya sa eksena sa #MAIDinMALACAÑANG at #MARTYRorMURDERER ang hindi totoo, napanood na ba nya ang #MIM, kasi ang #MOM ineedit ko pa. Ano sa loob ng mga gawa ko ang kasinungalingan?


“2. Napakahusay umarte ni Miss Cherry Pie, pero ngayon lang ako parang naOAyan sa kanya (actually pangalawa na pala ito, una nung umiyak sya sa kampanya ni Leni at para siyang CEO na isang pyramiding company na sumisigaw ng MANGHIKAYAT KAYO!)


“Ito, seryosong tanong Miss.


“Napanood ko kasi kung paano mo pinatawad ang pumatay sa Nanay mo, ang pagsabi mo ng magagandang bagay patungkol sa pangtanggap at pagbibigay katwiran sa mismong kriminal na pumatay na Nanay mo— naisip ko, YUNG PUMATAY SA NANAY MO, NAYAKAP MO.


“Sigurado kang may kabutihan sa kanya


“Ako, na gumagawa lamang ng pelikula (na dahilan kung bakit kayo may pelikula) AKO ANG TINATANONG MO KUNG MAY KONSENSYA?


"At wag po kayong mag-alala; wala naman po akong deklarasyon na gusto ko kayong makatrabaho.

MARAMING SALAMAT."


In fairness din naman kay Cherry Pie ay nabanggit niyang tiyak na ayaw din siyang maka-work ni Direk Darryl at puwedeng ito rin ang isagot ng nasabing direktor.


Samantala, trending din ang pagsita ni Senator Imee Marcos sa kaibigang direktor.

Ipinost din ni Direk Darryl sa FB page niya ang takbo ng usapan nila.


Ang caption ni Direk Darryl, “Ok, quiet na 'ko.”


Ang sabi ni Sen. Imee, “DARRYL!”


Sagot ng direktor, “Luh, nagrereak lang ako, Sen., ako na naman masama… dabog (paakyat) (balibag pinto) (iyak sa kama) (tumayo ulit to open aircon).


“Ako po ay nagrereak lang. Hindi ako ang umaatake…”

Anyway, the feeling is mutual naman pala between Cherry Pie and Direk Darryl.


Basta sa March 1, mapapanood ang Oras de Peligro na handog ng Bagong Siklab Productions na idinirek ni Joel Lamangan.


Bukod kay Pie ay kasama rin sa pelikula sina Apollo Abraham, Marcus Madrigal, Timothy Castillo, Elora Espano, Jim Pebanco, Mae Paner, Dave Bornea, Rico Barrera, Alvi Siongco, Gerald Santos, Crysten Dizon, Nanding Josef, Therese Malvar, Allan Paule at ang bida ring si Allen Dizon.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page