top of page
Search
  • BULGAR

Wala raw pinipili… ROMNICK, IBINULGAR ANG NAKITA SA KATHNIEL NANG MAKASAMA SA HOTEL

ni Mercy Lejarde - @Talkies | July 7, 2022



Lubos na pinuri nina Romnick Sarmenta, Cris Villanueva at iba pang cast members ng 2 Good 2 Be True ang mga bida ng serye na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa pagiging magagaling nilang aktor at pagiging professional na mga katrabaho.


Sabi nga ng dating matinee idol, “Bilang tatay, naaaliw ako sa kanilang dalawa. Iniisip ko minsan, kung sino man sa kanila ang anak ko, matutuwa ako. Sila ang magkasama most of the time dahil nagsusuportahan sila. Nag-aalagaan silang dalawa.


"Pagdating sa hotel, nakikita namin, wala silang pinipili na kasama. May mga nakita na rin kasi ako sa trabaho na iwas sa iba. Walang ganu'n sa KathNiel,” dagdag pa ni Romnick na gumaganap bilang tatay ni Eloy (Daniel) na si Fred.


Sang-ayon din si Cris, na gumaganap naman bilang Capt. Rosales, sa sinabi ni Romnick. Bukod nga raw sa pagiging magaan nitong katrabaho, bilib na bilib siya sa pag-portray nina Kathryn at Daniel sa kani-kanilang karakter.


"Agree ako sa lahat ng sinabi ni Romnick. Maganda na 'yung script, tapos the way they are doing it, mapapaniwala ka talaga. 'Yung pagiging matulungin naman ni Eloy, nakikita talaga namin sa kanya (DJ). Aalamin niya 'yung problema at ita-try niyang gawan ng paraan. Idi-discuss niya in real life. Magaan silang katrabaho," saad ni Cris.


Honored at blessed naman sina Matt Evans, Gillian Vicencio, Bianca de Vera, Pamu Pamorada, at Alyssa Muhlach na mapabilang sa hit serye at makasama ang KathNiel.


Samantala, tuluy-tuloy ang pagte-trend at pagiging number 1 series ng 2 Good 2 Be True sa iWantTFC at consistent din silang nasa Top 2 ng Netflix Philippines.


Kapit na kapit na ang mga viewers sa serye lalo pa at mukhang nagkakalapit na ang loob nina Ali at Eloy sa isa't isa.


Kahit pa nga napilit nilang papuntahin si Hugo (Ronaldo Valdez) sa taunang stockholders' meeting, patuloy pa rin ang suspetsa ng board members pati na si Jill (Alyssa) sa kondisyon ng may-ari ng Horizon Grand.


Sa susunod na episodes, gagawin nga nina Ali (Kathryn) at Eloy ang lahat para tulungang itago ang tunay na sakit ni Hugo. Ngunit magiging mahirap ito sa dalawa lalo pa at pinaiimbestigahan na ni Helena (Gloria Diaz) ang pagpasok ni Eloy sa buhay ng kanyang kuya.


Bakit kaya mainit ang dugo ni Helena kay Eloy? Ano kaya ang koneksiyon ni Helena kina Eloy at Fred?


Tutukan in advance ang gumagandang kuwento ng 2 Good 2 Be True sa Netflix at iWantTFC. Subaybayan din ito Lunes hanggang Biyernes, 8:40 PM, sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, Jeepney TV at Cinemo.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page