top of page
Search
  • BULGAR

Wala raw dapat ikahiya, Sarah… BARBIE, PROUD SA RELASYON NILA NI RICHARD

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 28, 2024



Showbiz News

Handang ipaglaban ni Barbie Imperial ang relasyon nila ni Richard Gutierrez dahil may mga patutsada siya sa social media laban kay Sarah Lahbati. 


Sey ni Barbie, wala raw siyang dapat itago at ikahiya dahil pareho naman silang malaya ni Richard dahil hiwalay na ang aktor sa estranged wife nitong si Sarah.


Pero ang tanong ng mga netizens, papaano naging malaya si Richard, gayung hindi pa nga annulled ang kasal nila ni Sarah?


Kahit saang aspeto tingnan, lalabas na mistress si Barbie hangga’t hindi siya napapakasalan ni Richard. Dapat tandaan ni Barbie Imperial na ang ganda ay kumukupas at naglalaho, hindi nagtatagal. Baka kapag nabuntis na siya ng aktor ay malosyang siya bigla.


At least, si Sarah Lahbati ay maganda pa rin kahit dalawa na ang anak. Na-maintain din niya ang kanyang sexy figure. 

Kaya ‘wag pakampante si Barbie Imperial dahil hindi tiyak na may forever sila ni Richard Gutierrez. 


 

LABIS na nagpapasalamat ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia sa King of Talk na si Boy Abunda dahil malaki ang naitulong nito upang maging confident siya sa pagho-host ng isang beauty pageant. 


Si Boy Abunda ang naging mentor ni Gabbi. Hands-on daw ito sa pagtutok at pagtuturo sa aktres kung paano maging effective na host. 


Maayos na nagawa ni Gabbi ang pagho-host ng Ms. Universe Philippines at malaking tulong ‘yun dahil si Gabbi rin ang kinuhang host sa Ms. Manila pageant.


Sa darating na 7th EDDys Awards ng samahang SPEEd ay si Gabbi Garcia ang host kasama sina Janine Gutierrez at Jake Ejercito. 


Hindi lang sa pag-arte lumulutang ang talent ni Gabbi Garcia, pinag-aaralan din niya ang lahat ng aspeto na makakatulong sa kanyang career. Kaya naman malalaking projects ang ibinibigay sa kanya ng GMA Network at endorser na rin siya ng malalaking produkto.


 

HINDI lang acting at technical awards ang ibibigay ng PMPC sa 40th Star Awards for Movies. Pararangalan din at bibigyan ng Special Award ang ilang showbiz icons tulad nina Nora Aunor, Vilma Santos, Christopher de Leon at Tirso Cruz III. 


Mahigit apat na dekada na sila sa mundo ng pelikula at telebisyon, kaya karapat-dapat na sila’y parangalan. 


Apat na dekada na rin na nagbibigay ng award at recognition ang Philippine Movie Press Club at taun-taon ay special awardees sila bilang Darling of the Press.


Sa taong ito, walo ang nominees sa Darling of the Press sa pangunguna nina Sen. Bong Revilla, Jr., Sen. Robin Padilla, Gretchen Barretto, Alden Richards, Piolo Pascual, Gladys Reyes, Liza Dino at Rhea Tan. Lahat sila ay karapat-dapat tanghalin dahil sa patuloy na pagmamalasakit at pagtulong nila sa mga projects ng PMPC. Sila ay laging maaasahan at tunay na kaibigan ng entertainment press.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page