ni Julie Bonifacio - @Winner | June 19, 2021
Pasado kay Manila Mayor Isko Moreno sina Xian Lim at McCoy de Leon na gumanap bilang siya sa Yorme na idinirek ni Joven Tan under Saranggola Media Productions.
Si McCoy ang nagpo-portray ng teenager na Isko na nagsimulang pasukin ang showbiz at naging member ng youth-oriented show ni German Moreno na That's Entertainment, habang si Xian naman 'yung mature na Isko hanggang pasukin niya ang mundo ng pulitika.
"Oo, eh, pareho naman kaming mestisuhin," sagot ni Mayor Isko nu'ng kunin ang reaksiyon niya sa pagpili kina Xian at McCoy.
"Actually, hindi ako si Isko Moreno, ako si Isko Mestisuhin. Hahaha! Charot!" biro niya.
Nabalitaan namin from the producer of Yorme na si Miss Edith Fider na wala raw "ipina-edit" si Mayor Isko sa kuwento ng buhay niya na mapapanood sa pelikula.
"Wala. You can ask the… I trust the artistic value, talent of the writer, the team, and the director. And I trust them also to pick the character that will portray me. Wala silang…
"Eh, kasi, alam mo, galing din naman ako sa showbiz. I don't want to give hard time to the production. They have all the liberty in this film," pagkumpirma ni Mayor Isko nu'ng makausap namin siya sa set visit ng Yorme sa Bulwagang Antonio J. Villegas sa Manila City Hall last Thursday.
Nais lang daw niyang makita sa kanyang biopic ay ang transition to challenges na kinaharap niya sa buhay.
"Halimbawa, puwede bang naging artista ang isang basurero? Tapos, nabigyan ka ng pagkakataong mag-artista, puwede bang nag-excel 'yung from artista na walang talent? Tapos na nag-artista, hinone (read: hone) niya 'yung opportunity, ni-nurture niya 'yung opportunity, then, napansin. Napansin n'yo, actually, dahil kayo rin 'yung mga kasama ko noong araw. Napansin n'yo na posible pala. Then, making a name for himself with the help, of course, with the environment in showbiz. And uh, I think that's it."
Hindi rin daw natatakot si Mayor Isko na na-expose ang dark side ng buhay niya kabilang na ang napabalitang nalulong siya sa casino noon at ang pagpapa-sexy niya.
"Wala naman. Kasi, kahit naka-pose nang ganoon (sexy), nakita naman ng lahat. I mean, meron nga akong pose na naka-ganyan (nakatagilid na walang pang-itaas na suot). I'm not ashamed of these. Makikita ninyo ang buong katawan ko, except 'yung harapan ko. O, eh, that's for private use only, 'no?" biro pa ni Mayor Isko.
Pagpapatuloy niya, "But anything na ginawa ko sa showbiz, I'm happy I survived. Because portrayal of character there are challenging scenes and I'm happy when I do and give justice to a particular scene. And sometimes, it requires some extra ability and some guys to do it. So, that's why nakikita ninyo, in fact, ginamit laban sa akin 'yun nu'ng eleksiyon noong 2017. Naka-brief lang ako."
Nabanggit ni Major Isko ang yumaong well-loved talent manager ni Richard Gomez na si Douglas Quijano na siyang kumuha ng piktyur na naka-pose siya nang sexy sa pool.
"Yes, you know, wala namang maitatago sa akin. Bulatlat na katotohanan ang buhay ko. Wala namang pagkukubli. May ups and downs. May challenges, was made public. It's an open book. In fact, makikita ninyo 'yung pagpapatakbo ng gobyerno sa Maynila. Open book. You see our shortcomings. You see our little success and we do things and love to inform the general population on what's going on, what's happening in the city. So, na-apply ko rin ang mga lessons learned (ko) sa showbiz sa public service."
Tinanong namin ang producer ng pelikula kung may mga gagawin din bang pag-pose nang sexy sina Xian at McCoy sa Yorme gaya ng ikinukuwento ni Mayor Isko. But we found out na tinanggihan pala ni Xian ang ganitong eksena niya sa Yorme. Ayaw daw kasing magsuot ni Xian ng trunks.
Sa huli, nilinaw ni Mayor Isko na hindi isang political campaign ang Yorme.
"But at the end of the day, kausap ko 'yung producer, the artists behind it, the creative group, wala silang narinig. The mere fact na hindi ko pinakialaman 'yung everything, so, it will not serve my political purpose. Kaya ipinapauna ko sa inyo ang salita ko kanina na sana, kapulutan ng aral o leksiyon sa buhay. Because that's the purpose of a creative team," diin pa ni Mayor Isko.
Comments