top of page
Search
  • BULGAR

Wala pang socmed, kaya oks lang… JUDAY, UMAMING NAGING LASENGGA AT PAKAWALA

ni Beth Gelena @Bulgary Files | June 15, 2023




Nag-guest si Judy Ann Santos sa programa ng King of Talk na Fast Talk with Boy Abunda at dito nga ay inamin niya na nagrebelde siya noong kabataan niya.


Pag-amin ni Juday kay Kuya Boy Abunda, “Para sa sarili ko, sa pagkakataong ito, puwede kong sabihin na nu’ng nagsisimula ako sa teen-age years, umiinom ako, lumalabas ako at naglalasing ako. I think ‘yun ‘yung rebellious point ko na talagang pakawala ako.


“At that time lang, walang social media, walang pruweba, walang ebidensiya. Pero hindi ako nagwawala sa hindi ko bahay, o hindi pribadong lugar.


“Hangga't maaari, hindi talaga ako pupunta sa isang inuman na masama ang loob ko, na alam ko na ang gusto kong gawin ngayong gabi ay ang magwala.


“Ina-allow ko 'yung sarili ko na kailangan kong pakawalan itong galit na 'to. Kailangan kong pakawalan ang mga frustrations na 'to kasi otherwise, may maaapektuhan akong tao. May maaapektuhan akong trabaho and they don't deserve na maapektuhan sa kung ano’ng pinagdaraanan ko,” dugtong pa niya.


Noong time na ‘yun ay nakilala at sumikat na rin nang husto ang aktres dahil sa kanyang galing sa pag-arte. Pumatok ang una niyang pinagbidahang teleserye na Mara Clara at doon na nga nagsunud-sunod ang mga proyekto ng premyadong aktres, mapa-TV o pelikula man.


Sabi nga ni Judy Ann, “Nu’ng ginagawa namin ni Gladys Reyes ang Mara Clara, akala namin ay hindi ito magugustuhan ng mga tao kasi nga patay ang oras na ‘yun (time slot ng nasabing series).


“Pero nagulat kami na pumatok ang serye namin sa mga manonood at du’n na nagsimula ang mga sunud-sunod na projects ko. Nakagawa ako ng tatlong pelikula sa isang taon. Thank you sa Regal Films at sa Star Cinema.”


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page