top of page
Search

Wala pang eleksiyon, nag-ikot na… LUIS, TANGGAP NA BILANG MAYOR NG LIPA

BULGAR

ni Julie Bonifacio @Winner | March 12, 2024




Nagparamdam na si Luis Manzano sa mga Lipeño in connection sa balitang papasukin na ng anak ni Star for All Seasons Vilma Santos-Recto ang pulitika gaya ng kanyang ina.


Nagsimula nang umikot at magpakita sa publiko si Luis sa Lipa. Kumalat kasi sa social media ang video ni Luis sa event ng isang eskuwelahan.


Si Luis ang special guest sa inauguration ng Bolbok  Elementary School sa Lipa City, Batangas. Grabe ang init at bongga ng pagsalubong sa kanya ng mga head ng eskuwelahan at school administrators na para siyang mayor, ha?Makikita naman sa video na todo-ngiti si Luis na bumabati sa mga school administrators at mukhang nag-e-enjoy siya habang nakikipagkamay sa mga tao.


Tingin tuloy ng mga netizens sa video, pulitikung-pulitiko na ang datingan ni Luis, ha?


Hindi naman masisisi si Luis na lumitaw na sa mga public engagements sa Lipa if he is really running sa coming elections.  


Aba, sa October na ang filing ng candidacy ng mga tatakbo sa public office. Sa bilis ng panahon ngayon, sandali na lang at October na rin. 


Say naman agad ng mga netizens sa “pormahan” ni Luis sa video…


“Puwede na pang-Mayor ng Lipa, Luis, Mayor Luis Manzano.”


“Mayor Luis Manzano.”


“Sunod na magiging representative ng Lipa.”


So, there.   

 

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page