top of page
Search

Wala pang 100 ang nanood… SHOW NG SB19 SA TATE, NILANGAW

BULGAR

ni Julie Bonifacio @Winner | August 26, 2023


Nakakalungkot na balita para sa mga fans ng SB19. Hindi raw kasi dinagsa ng mga tao ang mga shows nila sa US, ayon sa aming source.


In fact, isa sa mga producers ng show ng SB19 ang nakausap namin at naikuwento niya ang kinalabasan ng ipinrodyus nilang concert ng sikat na grupo sa Amerika.


Unexpected para sa producer na ‘di napuno ng mga fans ng SB19 ang venue ng concert nila sa isa sa mga states sa US.


Mabuti na lang daw at nakabawi sila sa pagbebenta ng merchandise ng SB19 sa mga fans nila sa Amerika, or else, nalugi raw ang produ.


Mali raw kasi na tumanggap ng magkakalapit na states sa Amerika ang namamahala sa US tour ng SB19. Kaya ang siste, ‘yung mga tao sa isang state na nanood ng concert ng SB19, ‘di na dinayo ang sumunod na venue na malapit lang.


Unlike kung magkakalayo ng states, maraming Pinoy na nakatira sa maraming bayan na sasakupin ng venue ang dadayo para manood.


Naku, may ganyang kuwento na rin kaming narinig noon sa isang sikat na female singer-actress na kapag nagtu-tour sa US ay tinatanggap ng management niya ang show kahit magkakatabi lang ng state, na inalmahan ng mga Pinoy producers sa US. Kaya ang ending, ayaw na nilang kunin ang sikat na female singer-actress.


Going back sa SB19, ang nangyari pa raw kasi, ‘yung mga solid fans nila ang laging nanonood ng concert nila. Talagang sinusundan ang SB19 kahit saang state sa US sila mag-perform. Kaya sila-sila rin lang ang audience sa venue at ni hindi pa sila umabot sa 100 katao, ha?!


But at least, more than 50 sila.


Ang nakakaloka ay ang narinig naming tsika na ‘yung mga nanood sa show ni Sheryn Regis sa US ay 40 katao lang daw. Super floppey, if true, ‘di ba?


Nagtataka naman daw ang ilang Pinoy producers sa US kung bakit hinayaan pa raw ng management ni Sheryn na mag-show siya kahit 40 lang ang nanood. ‘Yung iba raw kasi ay kina-cancel na ‘pag ganoon.


Ang ending, hindi na raw itinuloy ang mga kasunod na shows ni Sheryn sa Amerika. Ang balita namin ay maagang bumalik ng bansa si Sheryn kesa sa nauna niyang schedule.


Say naman ng ilang showbiz kibitzers, baka feeling daw kasi ng nag-produce ng US show ni Sheryn ay ganoon pa rin siya ka-popular sa mga Pinoy doon.


Kahit nga raw ‘yung last show niya sa Music Museum, puwedeng-puwedeng magbisikleta sa itaas (balcony) dahil walang katau-tao.


Mabuti na nga lang daw at may isang nagmalasakit na friend nu’ng producer ng show ni Sheryn na pumakyaw ng 70 pieces na tiket sa VIP section ng Music Museum.

‘Yun na!


6 comments

6 Comments


yrag lareb
yrag lareb
Aug 28, 2023

Sold out nga tiket sa Toront Canada with more than 2k capacity. I was there in the concert.

Like

Coccyx Deux
Coccyx Deux
Aug 28, 2023

Nakakadiri ang nagsulat at naglathala nito.

Like

Rosallie Enriquez
Rosallie Enriquez
Aug 27, 2023

Sa makatuwid, ang balita nya puro galing sa marites..ganun lang MARITES..yes some venue cguro hnd n sold out pero yung 70 ka tao lang, at pls lang lagyan nyu tamang place kasi US kasi nkalagay eh may sold out sila sa LA..alam namin n hnd sila subrang sikat sa US pero hnd nmn tama n hnd kau magsasabe ng totoo..lalo n ang dyaryo nyu binabasa ng tambay sa knto, paniniwalaan tlga kau..pero dahil sa twitter nabasa ko ito..okey lang kung sasabhin mo n hnd lahat sold out pero sabhin 70 lang ganun ba ka liit ang venue nila dun? Nakita nmn namin n madaming tao..at tama din n may mga solid suporters ang sb19 n sinusundan sila okey lang yun…

Like

Orland Cabada
Orland Cabada
Aug 27, 2023

Excuse me lang po wag nman po kayo mgbalita ng 100%na hindi totoo sino pi ba source nio kc po lahat po ng shows ng SB19 ay nkapost sa youtube at makikita kng faano kadaming tao ang nanood wishbus USA pa lng po apaw na ang nanood at take note pantay po ang dami ng foreigners at filipino ang kanillang audience.pahiya ka noh kc nsa youtube ang bawat cities na pinagtanghalan nila.wahh

Like

Corazon Sandoval
Corazon Sandoval
Aug 27, 2023

Sino at saan kaya source ng writer na ito? You are damaging your damaged credibility! SB19 shows here in US and Canada were all successful and a hit! Wala na bang ibalita na totoo at pagkakitaan at eyecatching? Ang pobre talaga nitong sumulat na itong si Julie Bonifacio? 🤣🤣🤣🤣

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page