ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 29, 2023
Hindi man diretsahang inamin ni Rhian Ramos sa panayam sa kanya ni kapatid na Rommel Gonzales na lumabas sa PEP.ph na hiwalay na sila ng businessman boyfriend na si Sam Versoza ng Front Row, obyus naman sa mga sagot ng aktres na wala na nga sila.
Sa isang bahagi ng interview, natanong kasi si Rhian kung gaano siya kasaya ngayon.
Ang naging sagot niya, “In fairness, very high, in the 90s, because this is something naman that I’ve known for a long time, but it’s just every so often nare-remind lang ako.
“That no one can love me better than I can, and I’m very good at it. Like, I’m good at making myself happy, I’m good at giving myself the things that I want, even the experiences that I want.
"Like ayun, parang if there’s anyone talaga that I can depend on, it’s always gonna be me, so it’s a good reminder."
Kung 'di kami nagkakamali, wala pang isang taon mula nang isapubliko nina Rhian at Sam ang kanilang relasyon.
Ang akala pa nga ng marami, naka-jackpot na si Rhian sa BF niya dahil may mga chika na 'binubusog' diumano ang aktres sa mga regalo ng kanyang rich boyfriend.
Well, kung 'di talaga sila para sa isa't isa, that's life. Mabuti na lang at hindi pa sila kasal dahil mas mahirap magpa-annul na kung kelan mag-asawa na sila, saka pa nila ma-realize na hindi sila compatible at mas tamang maghiwalay na lang.
Awww!
Comments