ni Lolet Abania | March 3, 2022
Asahan ng mga kostumer ng Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Services Inc., ang mababang singil habang ang value added tax (VAT) ay aalisin na sa billing system ng dalawang kumpanya ng tubig, ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System-Regulatory Office (MWSS-RO) ngayong Huwebes.
Sa isang virtual press briefing, sinabi ni MWSS-RO chief regulator Patrick Ty na ang sumusunod na passage ng kani-kanyang congressional franchises ng Maynilad at Manila Water, ang water services charges ng mga water distribution utilities ay hindi na subject para sa 12% VAT simula Marso 21, 2022.
“The changes will result in a reduction in Maynilad and Manila Water customers’ monthly water bills,” sabi ni Ty. Gayunman, sa halip na VAT, ang water services ng mga kumpanya ng tubig ay subject sa 2% ng iba pang percentage tax o national franchise tax (NFT) at ang aktuwal na rate ng local franchise tax (LFT) na ipinatutupad ng mga local government units (LGUs). Ang NFT at LFT ay magre-reflect bilang tinatawag na “government tax” sa mga water bills ng mga kostumer simula Marso 21.
“The MWSS-RO remains committed to ensuring the availability, accessibility, and affordability of water supply in the East and West Concessionaire areas,” pahayag ni Ty.
Ang Manila Water ay nagsusuplay ng tubig at wastewater services sa mga residente ng mga Lungsod ng Makati, Mandaluyong, Pasig, San Juan, Taguig, at Marikina; at Municipality ng Pateros. Sakop din nito ang southeastern parts ng Quezon City, at Sta. Ana at San Andres ng Lungsod ng Manila.
Sa lalawigan ng Rizal, siniserbisyuhan din nito ang Lungsod ng Antipolo, at mga munisipalidad ng San Mateo, Rodriguez, Cainta, Taytay, Teresa, Angono, Baras, Binangonan, Jalajala, Cardona, Morong, Pilillia, at Tanay.
Habang ang Maynilad ay nagsusuplay ng tubig at wastewater services sa mga residente sa maraming bahagi ng Lungsod ng Manila; northern at western parts ng Quezon City; western parts ng Makati City; at sa mga Lungsod ng Caloocan, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Valenzuela, Muntinlupa, Navotas, at Malabon sa Metro Manila.
Siniserbisyuhan din nito ang mga munisipalidad ng Kawit, Noveleta, at Rosario, gayundin sa mga Lungsod ng Bacoor, Cavite, at Imus sa Province of Cavite.
Comentarios