top of page
Search

Wala nang aktibong NPA guerilla fronts sa ‘Pinas — Marcos

BULGAR

ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 13, 2024




Nagbigay ng papuri si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos sa isang video na ini-upload sa kanyang mga social media accounts ngayong Sabado, para sa mga tagapagtanggol ng batas dahil sa kanilang pagganap ng mga tungkulin upang labanan ang mga banta sa internal security.


Ayon sa Pangulo, hanggang Disyembre 2023, na-neutralize ng gobyerno ang 1,399 na miyembro ng mga komunista at lokal na teroristang grupo.


Iniulat din niya na hanggang sa nakaraang buwan, nakumpiska ng gobyerno ang 1,751 na armas sa pamamagitan ng pag-aresto at pagsuko.


Dahil dito, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi titigil ang gobyerno sa kanilang kampanya laban sa rebelyon.


“Maaari na nating mai-report na wala nang active NPA guerilla front as of December 2023. Kaya patuloy nating ipaglalaban ito,” aniya.


“These commitments underscore our steadfast commitment to peace and stability,” dagdag niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page