top of page
Search

Wala namang terorista, pero Makati City Hall P240M confi fund ang ginasta, shocking!

BULGAR

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Dec. 23, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

SEN. PIA CAYETANO, NAUNGUSAN NI SEN. BONG GO SA TANGERE SURVEY, AT BEN TULFO NAUNGUSAN DIN SA PULSE ASIA SURVEY -- Sa kada labas ng senatorial survey sa panahong kabilang si Sen. Bong Go sa ginigiba ng mga anti-Duterte politician at anti-Duterte resource persons sa mga Quad Committee hearing sa Kamara ay hindi siya (Sen. Go) natitinag sa rank number 5, laging rank number 1 si ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo, number 2 si broadcaster Ben Tulfo, number 3 si former Sen. Tito Sotto at number 4 si Sen. Pia Cayetano. 


Pero nang itinigil na ng QuadComm ang hearing noong Dec. 12, 2024, sa inilabas na survey ng Tangere Firm noong Dec. 16 ay naungusan na ni Sen. Bong Go sa ranking si Sen. Pia Cayetano, siya na ang nag-rank number 4 sa rating na 49.50% at ang senadora ang nag-rank number 5 sa rating na 42.71%, at sa latest survey naman na inilabas ng Pulse Asia kamakalawa (Dec. 21), nag-rank number 3 na si Sen. Bong Go sa rating na 54.7%, naungusan niya sa ranking si Ben Tulfo na nag-rank 4 sa rating na 52.7%.


Ang nais nating ipunto rito, kapag tuluyan nang itinigil ng QuadComm ang hearing ay maaaring sa mga susunod na resulta ng survey, si Sen. Bong Go na ang number 1 sa ranking, abangan!


XXX


SEN. BONG GO, HINDI CELEBRITY, HINDI SOCIAL MEDIA PERSONALITY AT WALANG DYNASTY, PERO MALAKAS SA TAO DAHIL SIYA LANG ANG NAKAGAWA NA MAGING LIBRE ANG PAGPAPAOSPITAL, LABORATORY AT PANGANGANAK -- Si Sen. Bong Go ay hindi celebrity, hindi sikat na social media personality at hindi rin siya nagmula sa angkan ng mga pulitiko, at katunayan nga ay wala siyang political dynasty, pero sa mga survey ay ang lakas ng arrived niya sa mamamayan.


Ang dahilan kung bakit malakas siya sa tao ay dahil likas na sa mga Pinoy ang tumatanaw ng utang na loob sa mga nakakagawa ng mabuti sa kanila, kasi sa mga naging senador ay si Sen. Bong Go lang ang nakagawa na maging free hospitalization ang mga public hospital sa pamamagitan ng kanyang “Malasakit Act” at free laboratory, at libreng panganganak sa mga itinatag niyang Super Health Clinic, period!


XXX


WALA NAMANG TERORISTA SA MAKATI CITY PERO P240M CONFI FUND ANG GINASTA NG MAKATI CITY HALL UNDER MAYOR ABBY BINAY, SHOCKING ITO AT DAPAT IMBESTIGAHAN DIN NG KAMARA -- Kung sakaling next year ay ipagpapatuloy ni Manila Rep. Joel Chua, chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang imbestigasyon sa paggasta ng P500 million confidential fund ng Office of the Vice President (OVP) at P150M confi fund ng Dept. of Education (DepEd), sana ay isabay na rin ng Kamara na imbestigahan ang ibinulgar ng Commission on Audit (COA) na gumasta ng P240M confi fund ang Makati City Hall sa ilalim ng liderato ni incumbent Mayor Abby Binay na senatorial candidate rin.


Sa totoo lang, nakaka-shock din ito kasi mantakin n’yo, wala namang terorista sa Makati City, tapos ganyan kalaki (P240M) ang confi fund na ginasta ng Makati City Hall.

Kung ginamit sa tama oks lang, pero kung kuwestiyunable ang paggasta, dapat may managot diyan, boom!


XXX


MAGAWA KAYA NG BAGONG SPD DIRECTOR NA SI GEN. ABRUGENA NA HULIHIN ANG MGA SCALAWAG AT TONGPATS COLLECTORS SA KANYANG JURISDICTION? -- May bagong director na ang Southern Police District (SPD) sa katauhan ni Brig. Gen. Manuel Abrugena.


Tingnan nga natin kung kayang ipahuli ni SPD Director Gen. Abrugena ang mga scalawag na parak at mga tongpats collector sa Makati City, Taguig City, Paranaque City, Muntinlupa City, Pasay City, Las Pinas City at Pateros, abangan!

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page