top of page
Search
BULGAR

Wala namang ipinasilip… KIM, TODO-PA-SEXY BILANG CALENDAR GIRL SA EDAD NA 34

ni Nitz Miralles @Bida | Nov. 22, 2024




Puro “Congratulations!” ang comment nang i-post ni Kim Chiu ang ilang photos sa pagiging Tanduay Calendar Girl 2025 niya. 


Ang iba, walang nasabi, nag-comment na lang ng fire burning emoji na ibig sabihin, “hot” ang photo shoot ng aktres.


Nag-iba naman ang comment ng mga fans ni Kim. Kung dati, magko-collect sila ng calendar para i-post sa cabinet sa kanilang kuwarto, ngayon ay iinom na sila ng Tanduay para raw suporta kay Kim at para na rin maging kasing-sexy sila nito.


May pumuri sa mga photos ni Kim, hindi raw masagwa dahil cleavage, pusod at pagiging long-legged ng aktres lang ang ipinakita. Wala raw ipinakitang hiwa ng puwit si Kim, at ang iba, halos buong boobs na raw ang ipinakita. In other words, hindi siya lumagpas sa boundaries.


Pinansin din ang toned-body ni Kim at pagiging proportion ng katawan niya. Hindi siya mukhang 34 years old na. Ibig sabihin daw nito, maalaga siya sa kanyang katawan, plus she’s sexy.


Mayroon namang hindi pabor sa pagiging Tanduay Calendar Girl ni Kim dahil hindi naman daw niya kailangan sa career niya. May nakakatawa pang comment na hindi naman daw siya umiinom ng Tanduay, kaya dapat, hindi siya naging calendar girl ng nasabing liquor brand.


 

Bongga si Nadine Lustre, may outfit change sa grand launch ng Uninvited na ginawa sa Solaire Resort and Casino. 


Dumating siya at rumampa sa red carpet suot ang red dress. Rumampa sa ballroom kung saan ginanap ang grand launch in a black outfit na bumagay sa black motif ng grand launch.


Natutuwa ang mga fans ni Nadine sa importansiyang ibinigay ng Mentorque Productions at Project 8 Projects sa aktres sa 2024 MMFF entry dahil kasama siya sa three major cast na binanggit.


Sey ng host, “Tonight, we welcome the STAR FOR ALL SEASONS — Vilma Santos, alongside Aga Muhlach, Nadine Lustre, and an all-star cast, in a spectacular production directed by Dan Villegas.” 


Sa poster, sila ring tatlo ang may prominent face at du'n pa lang, may mga nakumbinse nang panoorin ang pelikula simula December 25.


Sa grand launch, nagpahayag ng excitement si Nadine na makasama sa movie at mabigyan ng role na gaya ng ginampanan niya. Dito sa Uninvited, palaban siya at nakipagmurahan kay Aga at maraming ganap ang karakter niya bilang si Nicole.


“Si Nicole ay mayaman, lahat ng vices ay ginagawa niya. May hatred siya towards her dad,” description ni Nadine sa kanyang karakter.


Anyway, isa si Nadine sa mga itinurong dahilan ng mga netizens kung bakit sa palagay nila ay magiging top grosser ang movie. 


Nag-top grosser daw ang Deleter ni Nadine noong 2022 at top grosser naman ang movie ni Aga noong 2019 na Miracle In Cell No. 7, at idagdag pa si Vilma na laging box-office hit ang mga movies.


 

Dapat daw, sanay sa puyatan… 

CLAUDINE, NAGHAHANAP NG DYULALAY, TRABAHO PANG-2 TAO



MAY mga kumuwestiyon sa post ng paghahanap ni Claudine Barretto ng personal assistant (PA).


Mensahe niya, “I'm finding a personal assistant & accountant na pwede 2x a month, pwede stay in, if possible. Kindly send your bio to @kris.angeli@yahoo.com.”


Kasunod nito ang sinabi niyang dapat ay sanay sa puyatan at masipag, marespeto at may experience ang mag-a-apply. Dapat daw sa personal assistant, may experience rin sa accounting, how to take care of her and her kids' schedule, at ito na rin ang magpapatakbo sa buong bahay nila. Dapat daw ay sanay sa puyat dahil sa shootings-tapings at multi-tasker.


Ang daming qualifications na hinahanap ni Claudine, kaya may nagtanong kung seryoso ba siya dahil ang hinahanap niya ay hindi lang trabaho ng isang tao. Labag daw sa work ethics at human rights ang gagawin niya.


May dumepensa naman kay Claudine, hindi lang daw naintindihan ang post nito na sinegundahan ng aktres. 


Sey ni Claudine, “Yes, exactly. May yaya po sila at buong araw nasa school.”

Sa nag-suggest na dapat dalawang tao ang hanapin niya dahil hindi tatagal ang magtatrabaho sa kanya sa dami ng gagawin, "May yaya po kami, cook at all-around.

Schedule po ng paglilinis ng pool, s’ya tatawag. ‘Pag may important events sa school, ilalagay sa calendar, etc. at may P.A. po ako, si Sol. May CPA rin, daily and weekly expenses lang ire-report,” sagot ni Claudine.


Saka, ang yaya na hinahanap ni Claudine para lang mag-assist sa kanya dahil siya raw talaga ang nag-aalaga sa bunso niya. 

Sa huli, sabi nito, “Wala pa nga, reklamo agad.”


Sana, by this time, nakahanap na si Claudine Barretto ng hinahanap niya para matulungan siya sa pagpapatakbo ng kanilang bahay.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page