top of page
Search

Wala naman daw ninakaw sa taumbayan… ROWENA GUANZON: EH, ANO KUNG SUMAYAW SA GAY BAR SI MARK?

BULGAR

ni Julie Bonifacio @Winner | Feb. 3, 2025



Photo: Rowena Guanzon at Mark Herras - FB, IG


Usap-usapan pa rin ang pagsasayaw ng dating Kapuso actor na si Mark Herras sa gay bar. Ang ibang news, may kalakip pa na kuwento kung magkano ang kinikita ni Mark sa pagsasayaw.  


Maging ang former commissioner of the Commission on Elections of the Philippines na si Rowena Guanzon ay nagbigay na rin ng kanyang opinyon sa pagsayaw ni Mark sa gay bar.  


In fairness, ipinagtanggol ni former commissioner si Mark.  


Post ni Guanzon sa X (dating Twitter) kahapon, “Eh, ano kung sumayaw sa gay bar si Mark Herras? Honest money ‘yun. Ang banatan n’yo, ang mga kawatan sa gobyerno.”


Inayunan ng mga netizens ang sinabi ni former commissioner:


“Tama ka, Ma’am. Wala naman s’yang inaagrabyadong tao. Sa kanya ‘yung katawan, ano’ng paki natin d’yan? Besides, wala s’yang perang kinuha sa taumbayan.”  


“Trueness. Factfully. Tumpakabels.”  


“Ganyan talaga Pinoy.  


“Laki ng standards sa artista pero ‘pag government official, basura mga ibinoboto.”


“Kahit maghubo’t hubad pa, nagtatrabaho lang para mabuhay. Ang importante, ‘di nagnanakaw.”  


“Oo nga. Mahusay namang sumayaw si Mark.”  


“Kung ako si Mark Herras? Proud ako sa sarili ko na binubuhay ko ang pamilya ko sa marangal na hindi nagnanakaw at nang-aagrabyado ng ibang tao.”


“Kung bata lang ako at maganda ang katawan, baka ‘yun din ang trabaho ko, eh. At least, ‘di ako palamunin.” 


May ibang netizens naman ang nanghihinayang na hindi nabigyan ng project si Mark, gayung mahusay naman siyang artista.  


“Walang issue sa venue, kundi nanghihinayang ang mga fans and supporters n’ya kung bakit hindi siya mabigyan ng TV show or acting gig.  


Nanghihinayang sila sa kanyang kakayahan at galing bilang artista.  


“Maraming deserving na hindi nabibigyan ng opportunity, mapa-showbiz, mapa-politics.”  


Sana ay matulungan si Mark ng mga kapwa niya artista na mga pulitiko para mabigyan ng mas disenteng hanapbuhay ang aktor-dancer.


 

PANGAKO ni Manila mayoralty candidate Isko Moreno na pagbalik niya sa Mayor’s Office ay ipapagamit niya sa Philippine Movie Press Club (PMPC) para sa kanilang Star Awards ang restored Metropolitan Theater (MET) sa may Lawton.


Matatandaan na isa sa mga malalaking proyekto ni Isko during his term as Manila mayor ay ang pagre-restore ng abandonadong MET.


Pramis pa ni Isko sa PMPC, ipapagamit niya ang MET nang libre.


Nakausap ng newly elected officers, members and past presidents ng PMPC si Isko at ang kanyang running mate for vice-mayor na si Chi Atienza.


Si Isko ang naging inducting officer ng mga bagong opisyales ng PMPC sa pangunguna ng bagong presidente ng club na si Mell Navarro.


Hangarin ni Isko na matulungan ang PMPC sa pagsasagawa nito ng Star Awards for Movies, Music at Television.  


Ayon naman sa survey, tinambakan ni Isko ang mga katunggali niya sa mayoralty race sa Manila na sina Honey Lacuna at Sam Versoza.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page