ni Janiz Navida @Showbiz Special | Mar. 23, 2025
Photo: Sen. Imee Marcos - Kamuning Bakery Cafe
HINDI lang pala ang magkapatid na sina Direk Lino Cayetano at Sen. Alan Peter Cayetano ang hindi nag-uusap ngayon dahil sa pulitika.
Sa ginanap na Pandesal Forum kahapon sa Kamuning Bakery owned by our colleague na si Wilson Flores, inamin ng guest speaker na si re-electionist Sen. Imee Marcos na matagal na rin pala silang hindi nag-uusap ng kanyang nakababatang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos, Jr..
“Nahihirapan na ako. Matagal na siya (hindi sila nag-uusap). Bago pa siya umupo, medyo nagkakaroon na ng tensiyon dahil feeling ko, hinaharang ako. Marami silang sinasabi, ganu’n.
“At matagal na rin kaming hindi nag-uusap. Nu’ng pinipilit ko (na kausapin si PBBM), naka-ilang beses din kami na nakapag-usap, parang wala namang nangyayari kaya napipilitan ako,” pag-amin ng senadora na “frank” at “fearless” kung ilarawan ni Sir Wilson.
Nagsimula nga raw ito nu’ng bago pa maupong pangulo si BBM at lalo pang lumaki ang tensiyon dahil sa “pagpasok at pagtutok” ni Sen. Imee sa ilang national issues na napunta sa kanyang hinahawakang komite sa Senado tulad ng People’s Initiative, Maharlika funds, RCEP (Regional Comprehensive Economic Partnership), suhulan sa pekeng signature para mapalitan ang Saligang Batas, impeachment kay VP Sara Duterte at pinakahuli nga itong ilegal na pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ng ICC.
“Alam po ninyo, nu’ng umalis si Presidente Duterte, wala akong naaalalang iba kundi ‘yung ama ko. Kaya malalim ang hugot ko po. Hindi dapat na sinumang Pilipino ay palayasin sa kanilang bansa at dalhin sa ibang lugar, hindi tama ‘yun. Alam naman natin, ipinaglalaban natin,” diretsong pahayag ni Sen. Imee.
Naniniwala raw siya na may naging mali sa proseso ng pag-aresto kay ex-Pres. Duterte kaya nga raw nagkaroon ng hearing sa Senado para rito nang sa gayon ay maimbestigahan at malaman nila kung may mga nalabag nga bang batas sa nangyari.
Dagdag pa niya, habambuhay siyang nagpapasalamat kay ex-P-Du30 dahil sa pagpapalibing sa kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. sa Libingan ng mga Bayani.
Sa apat na pangulo nga namang dumaan, tanging si Digong lang ang nanindigang maipalibing si Marcos sa kabila ng pagtutol ng karamihan.
Pero kahit bukas sa pagtutol sa ilang nangyayari ngayon, idiniin naman ni Sen. Imee na wala siyang balak sirain ang administrasyon ng kanyang kapatid na pangulo.
“Wala talaga akong balak sirain ‘yung administrasyon ng kapatid ko. Talagang tinitiis ko sa mahabang panahon. Hinayaan ko.”
Aniya pa, “Yes, I’ve tried very hard to maintain the relationship but it seems that we are being torn apart by many personalities and forces that have their own agenda.”
Diretsahan naming tinanong si Sen. Imee kung may pagsisisi ba sa parte niya na naging pangulo ang kanyang nakababatang kapatid kaya nalagay sa ganitong sitwasyon ngayon ang relasyon nila.
Sagot niya, “Hindi ako nagsisisi sa ganyan, eh. Nagpapaumanhin ako, pero ‘yung sisi, wala ka namang sisisihin kundi sarili mo, eh.”
Paliwanag pa nito sa nagtanong kung sino ang dapat magtampo sa kanilang magkapatid, “Sa pamilya namin, kasi mga Marcos kami, ‘no, laking-sundalo, ‘yung tampuhan, isinasantabi, ‘yung sama ng loob, ‘yung pagsisisi, the soldier is on. Gawin mo lang ‘yung tama. ‘Yung mali ay mali, ‘wag kang manghihina, ‘wag kang susuko. Laban lang!”
So, ‘yun na!
Miss Universe, shocking ang two-piece…
“BIYAK” NI MICHELLE DEE, NAG-HELLO SA FASHION SHOW
MAY nakita kaming post sa Facebook ng whole body shot ni Miss Universe-Phils. 2023 Michelle Dee na kuha sa nakaraang Bench Body of Work Fashion Show, kung saan suot ang kanyang black two-piece underwear ay halos naghe-hello (read: kumakaway) na ang “biyak ng rosas” ng beauty queen sa sobrang nipis ng kanyang undies.
Sa malayuan habang rumarampa si Michelle ay hindi masyadong agaw-pansin at masagwa ang kanyang suot at mapapa-“Wow!” ka na lang sa kaseksihan nito.
Pero sa malapitang tingin na tinamaan pa ng ilaw, parang nagtitinda nga ng “bibingka” ang beauty queen na super confident habang nakataas pa ang kanyang dalawang kamay.
Napapaisip tuloy kami kung naging sobrang obyus ba ang “biyak ng rosas” ni Michelle dahil sa liwanag o may nag-edit lang ng photo nito para maging masagwa ang hitsura?
Well, hindi pa namin alam kung nakita na rin ba ni Michelle ang naturang photo niya na umaani na ngayon ng maraming reactions sa Facebook, pero sana, magawan agad ng aksiyon dahil unfair naman para sa beauty queen-endorser kung edited at gawa-gawa lang pala ang naturang photo.
Comments