top of page
Search

Dedma na na-link kay Cong. Albee… “WALA AKONG SINIRANG PAMILYA” — IVANA

BULGAR

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Mar. 8, 2025



Photo: Ivana Alawi - Bulgar


Samantala, kung naka-zipper pa ang bibig ni Kathryn Bernardo ngayon tungkol sa estado ng kanyang love life, tuwang-tuwa naman ang entertainment press sa pagiging madaldal at open ng isa sa mga top vloggers in the country na si Ivana Alawi.


First time nagbigay ng thanksgiving party ni Ivana sa entertainment press kahapon na ginanap sa Vinta Modern Carinderia, QC.


Sa tagal nang nagso-showbiz ni Ivana at ilang taon na ring namamayagpag ang kanyang vlogs, ikinatuwa ng press na hindi niya nakalimutang magpasalamat at mag-share ng kanyang blessings through the help of her manager na si Perry Lansigan.


Ang bongga ni Ivana dahil bukod sa kanyang pa-Q&A (no holds barred at walang bawal itanong, in fairness!) ay may bonggang pa-raffle rin siya na P50 K ang grand prize!


Pero mas natuwa nga ang press sa pagiging madaldal ni Ivana kahit pa sinasabi niyang super mahiyain niya.

Isa nga sa mga naitanong sa kanya ay usaping-pulitika lalo’t malapit na ang eleksiyon.


Inamin ni Ivana na super-daming lumalapit sa kanya para mag-offer na ikampanya niya. Pero hindi raw basta-basta bumibigay si Ivana sa isang kandidato dahil talagang nagre-research daw muna siya sa background ng mga ito at sa mga advocacy o nagagawa sa bansa at maging ang intensiyon ng mga kandidato ay pinag-aaralan niya.


Ayaw daw kasi niya ‘yung basta na lang mag-eendorso ng kandidato para sa pera. Ang gusto niya ay talagang may magagawa at may ginagawa para sa bansa tulad niya na tumutulong kahit walang kapalit.


Kaya nga nang matanong si Ivana kung may lumapit din ba sa kanya para patakbuhin sa pulitika, diretso ring sagot ng sexy vlogger na marami, pero aminado raw siyang wala siyang alam sa batas kaya hindi niya feel maging kandidato, lalo’t nakakatulong naman daw siya kahit wala siya sa puwesto, at naniniwala raw siyang hindi kailangan ng posisyon para makapagsilbi sa bayan.


May napili na raw siyang suportahang partylist at inaral daw talaga niya ito bago siya ang mismong lumapit para mag-offer ng kanyang voluntary help, at siyempre, wala raw bayad ‘yun.


Sa usapin naman ng kanyang puso, nangangarap din daw siya na darating ang panahon na magkakaroon din siya ng sariling pamilya, pero sa ngayon, marami pa raw kasi siyang gustong gawin kaya hindi pa talaga niya nabibigyan ng panahon ang bagay na ‘yun.


Bigla naming naalala na minsan na rin siyang na-link sa isang pamilyadong pulitiko na si Cong. Albee Benitez, ama ni Victorias City, Negros Occidental Mayor Javi Benitez na ex-BF ni Sue Ramirez na GF naman ngayon ni Dominic Roque na ex-fiance ni Bea Alonzo (eto na naman daw kaming nagkonek-konek, haha!).

Nag-viral kasi noon ang isang photo na nakitang kasama ni Ivana at ng kanyang pamilya sa isang airport paalis ng bansa si Cong. Albee.


Kaya naman hiningi na namin ang reaksiyon ni Ivana sa pagkaka-link niya sa pamilyadong kongresista.


“Wala, dedma!” kibit-balikat na sabi nito.


Hindi ba siya na-hurt, na-bother or paano niya ito na-handle mentally?

“Walang mental, kasi ‘di naman ako na-hurt, so wala. Wala akong sinirang pamilya so dedma. Ako, masaya ako sa buhay ko. So, bahala kayo,” pagtatapos ni Ivana bago humigop ng hawak na kape.


Well, soon ay may bagong project na naman daw si Ivana na sabay-sabay na lang nating abangan dahil maging siya ay excited nang i-announce ito ‘pag ready na raw.


 

Ex ni Ashley Ortega, Daniel…

BAGONG BF DAW NI KATHRYN, BATANG MAYOR NG LUCENA



Topic nina kapatid na Ogie Diaz at Mama Loi sa kanilang latest Showbiz Update episode sa YouTube Channel ang pagkakaroon na umano ng boyfriend ni Kathryn Bernardo.


May source diumano si Ogie na nagsabing “taken” na si Kathryn last November or December, 2024 pa.


At ang sinasabing bagong boyfriend ni Kathryn ay walang iba kundi ang last year pa rin ay nali-link na rito na bata pang mayor ng Lucena, Quezon na si Mayor Mark Alcala na 29 yrs. old lang.


Pamilyar sa amin ang name ng alkalde kaya nag-Google kami sa background niya, at totoo nga, ex-boyfriend pala siya ng Kapuso actress na si Ashley Ortega na ngayon naman ay girlfriend na ni Mavy Legaspi na ex-BF ni Kyline Alcantara, na ang boyfriend naman ngayon ay si Kobe Paras.


Nagkonek-konek na raw, oh?! Hahahaha!


Anyway, going back to Kathryn, kung totoo ngang “taken” na raw ito, malamang ‘yun ang dahilan kaya medyo dumistansiya na sa kanya si Alden Richards after nilang mag-promote ng kanilang box office hit film na Hello, Love, Again at hindi dahil nakabalikan ni Kathryn ang ex-boyfriend na si Daniel Padilla.


Naku, for sure, maraming nag-aabang ng confirmation o denial ni Kathryn sa isyung ito lalo’t mukhang walang balak magsalita si Mayor Alcala, dahil mismo ngang si kapatid na Ogie Diaz na ay dinedma lang daw nito through text or PM at nag-seen lang nang tanungin ng veteran reporter-talent manager tungkol sa kanila ni Kathryn, ha?


 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page