top of page
Search

Wakasan ang political career ng pamilya Duterte, may bendisyon daw ng Malacañang, weh?!

BULGAR

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Dec. 21, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

MAY BENDISYON BA NG MALACAÑANG ANG MGA AKSYON NG KAMARA PARA WAKASAN ANG POLITICAL CAREER NG PAMILYA DUTERTE? -- Matapos sampahan ng patung-patong na impeachment complaints si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio, inirekomenda ng Quad Committee ng Kamara na sampahan ng mga kasong kriminal si ex-P-Duterte at iba pang sinasabing sangkot sa extrajudicial killings (EJK) sa bansa, at inatasan ang mga law enforcement agency na imbestigahan ang pagkakasangkot ni Davao City Rep. Pulong Duterte sa drugs shipment sa ‘Pinas. 


Kaya’t kung pakasusuriin ang ginagawang ito ng Kamara, lumalabas na may basbas ng Malacañang ang mga aksyong ito ng mga kongresista para wakasan ang political career ng pamilya Duterte, boom!


XXX


MASAKIT KAY EX-P-DUTERTE ANG GINAGAWA NG MAJORITY CONGRESSMEN, PINAKISAMAHAN NIYA ANG MGA ITO PERO NANG WALA NA SA PODER TINITIRYA NA ANG BUONG PAMILYA -- Sa totoo lang, masakit kay ex-P-Duterte ang ginagawang ito ng mga majority congressmen laban sa kanyang pamilya.


Pinakisamahan kasi nang hustong ni ex-P-Duterte ang mga kongresista noong siya pa ang presidente ng ‘Pinas, tapos nang wala na siya sa poder, hindi lang siya ang tinitirya kundi pati buong pamilya niya, tsk!


XXX



KAPAG INIMBESTIGAHAN NA NG QUADCOMM PAGPUGA NI HARRY ROQUE, MAHUHUBARAN NA NG MASKARA ANG MGA TIWALI SA IMMIGRATION -- Iimbestigahan ng QuadComm ng Kamara ang pagtakas sa bansa ni former presidential spokesman Harry Roque na nahaharap sa kasong qualified trafficking in person at mananagot daw ang mga tumulong para makatakas ito palabas ng ‘Pinas.


Kapag inumpisahan na ang imbestigasyon dito, tiyak mahuhubaran ng maskara ang mga tiwali sa Bureau of Immigration (BI) na tumulong kay Roque makapuga ng bansa, boom!


XXX


LAHAT NG ISINAMPANG KASO NOON SA PAMILYA MARCOS, AWTOMATIK NA IDIDISMIS NG MGA KORTE KASI SI PBBM NA ANG POWERFUL PINOY SA ‘PINAS -- Ibinasura na kamakalawa ng Sandiganbayan ang huling kaso ng pamilya Marcos patungkol sa coconut levy fund scam noong pangulo pa ang yumaong dating Pres. Ferdinand Edralin Marcos, Sr.


Dapat pa bang i-memorize ‘yang desisyon ng Sandiganbayan na pabor sa pamilya Marcos eh, Marcos na uli ang presidente kaya natural dahil si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na ang pinaka-powerful Pinoy sa ‘Pinas, kaya lahat ng kaso na isinampa sa mga Marcos, ididismis ng mga korte, period!

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page