ni Mary Gutierrez Almirañez | April 22, 2021
Pinaiimbestigahan sa Commission on Human Rights (CHR) ang anomalya sa pagpapapirma ng waiver sa ilang nakatanggap ng financial assistance sa NCR Plus.
Ayon sa panayam sa abogadong si Chel Diokno ngayong umaga, Abril 22, "First I think they should conduct an investigation, where this is happening, is this sanctioned by the state and make sure that practice is stopped."
Dagdag pa niya, "Naka-monitor kami ng incidents na kapag nagbibigay sila ng ayuda, pinapapirma sila ng waiver. Some people may not know what they’re signing is a waiver. You might be signing away your rights... People will sign anything to get help."
Samantala, itinanggi naman ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Spokesman Jonathan Malaya ang nangyaring pirmahan ng waiver sa Bulacan.
Paliwanag nito, “Wala pong ibang lugar na nag-require ng waiver… Kino-confirm po muna namin ang report na 'to, kung totoo nga na may waiver ay hinihintay namin ang paliwanag po."
Nagpaalala naman si Diokno sa mga residente na huwag basta pumirma ng kahit anong dokumento, bagkus ay basahing mabuti at kung nahihirapang unawain ang nakasulat ay kailangan muna iyong ipakonsulta sa abogado bago pirmahan.
Comments