ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 24, 2021
Wise spender ang aktres na si Kim Chiu. Marunong siyang mag-ipon at mag-invest ng kanyang kinikita sa showbiz.
Sa ilang taon niyang pag-aartista ay nakapagpatayo na siya ng mala-mansion sa laking bahay sa isang exclusive subdivision sa QC na worth P110 M!
Meron din siyang tatlong luxury cars na milyones din ang halaga. At may ipon siya sa bangko for her daily needs.
Kahit namimili siya ng mga branded na gamit, may limit naman ang kanyang budget. Artista siya kaya kailangan din niya ng de-kalidad na gamit tulad ng ibang artista.
At least, kahit wala pa siyang regular na programa ngayon, hindi naman siya problemado sa pananalapi. 'Yun ang bentahe ng may naipon habang kumikita pa. Hindi siya tulad ng iba na nagpa-panic sa panahon ng pandemya.
Comments