top of page
Search

‘Wag magpaunggoy sa ‘Kamag-anak Inc.’ politicians na hangad buong pamilyang may power sa gobyerno

BULGAR

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Feb. 12, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

NOONG HINDI PA SENADOR SI SEN. BONG GO, WALANG LIBRENG SERBISYO, PERO NANG MAGING SENADOR DAMI NANG LIBRENG SERBISYO -- Sa latest survey ng SWS ay nag-rank number 2 na si Sen. Bong Go, nilagpasan na niya sa ranking si Eat Bulaga host, former Sen. Tito Sotto at halos 12% na lang ang lamang sa kanya ng rank number 1 na si ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo.


Sa totoo lang, si Sen. Bong Go naman talaga dapat ang mag-number 1 senator ng Pilipinas kasi lahat ng isinulong niya ay para sa mamamayan, lalo na ang mga mahihirap ang nakikinabang at nabibiyayaan tulad ng free hospitalization sa pamamagitan ng Malasakit Center, free laboratory, x-ray, ultra sound at panganganak ay libre sa pamamagitan ng kanyang Super Health Center. Inumpisahan na rin niya ang pagkakaroon ng kumportableng pahingahan ng mga bantay ng mga pasyente. Malapit na rin maisakatuparan ang dagdag-kama sa mga public hospital para hindi nagsisiksikan sa isang kama ang mahihirap na pasyente.


Noong hindi pa senador si Sen. Bong Go ay walang senador o kongresistang nakaisip ng ganyan, buti na lang naging senador siya, at sana suklian ito ng mamamayan, gawin siyang number 1 senator para mas lalo siyang ganahang gumawa ng mga batas na libre ang hatid na serbisyo sa sambayanan, period!


XXX


‘DI TAUS SA PUSONG SERBISYO, NAIS NG ‘KAMAG-ANAK INC.’ POLITICIANS, KUNDI HANGAD NILA BUONG PAMILYA MAY POWER SA GOBYERNO -- Umpisa na kahapon ang kampanya sa national positions, sa pagka-senador at partylist representatives.


Panawagan natin sa ating mga kababayan, huwag magpaunggoy sa “Kamag-anak Inc.” politicians na sabayang kumandidato kasi hindi naman taus sa pusong pagseserbisyo ang hangad ng mga iyan, kundi ang gusto nilang mangyari, ang buong pamilya nila ay magkaroon ng kapangyarihan o power sa pamahalaan, boom!


XXX


KAPAG BIGLANG NAGING PRESIDENTE SI VP SARA, DAMING CONG. ANG LAGOT! -- Ayon kay Senate President Chiz Escudero ay sa July 2025, after ng State of the Nation Address (SONA) ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) pa uumpisahan ng Senado na tatayong impeachment court, ang impeachment trial kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio.


Tagal pa pala at hindi natin masabi ang panahon, kapalaran ng tao, ‘eh kung biglang magbago ang sitwasyon, biglang maging presidente si VP Sara, isa lang ang nakikita nating puwedeng mangyari at iyan ay lagot ang mga cong. na pumirma para siya ay ma-impeach, period!


XXX


AYAW DAW NI PBBM MA-IMPEACH SI VP SARA, PERO ANAK NIYA ANG UNANG LUMAGDANG MAPATALSIK ANG BISE PRESIDENTE -- Lumabas ngayon na pang-uunggoy lang sa publiko ang sinabi ni PBBM na ayaw niyang ma-impeach si VP Sara.


Nasabi natin ito dahil kung totoong ayaw niyang ma-impeach si VP Sara, eh bakit ang anak niyang kongresista, si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos pa ang nauna sa mga cong. na lumagda para mapatalsik sa puwesto ang bise presidente? Boom!


Recent Posts

See All

留言


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page