top of page
Search
BULGAR

‘Wag hayaang umeksena ang mga buwitreng negosyante, ipatupad ang price freeze, now na!

ni Imee Marcos - @Buking | August 12, 2020



Modified Enhance Community Quarantine (MECQ) ulit ang Metro Manila, kaya hindi naiwasan ng ating mga kababayan na mag-panic buying na naman. Nakakalokah!


Aba, eh, shock to death daw ‘yung mga grocery owners nang bigla na naman silang dinumog ng mga mamimili at ‘susmarya halos maubos ang laman ng kanilang estante. Eh, siniguro naman nilang meron silang mapagkukunan ng supplies.


Pero hindi ‘yan ang inaalala natin, eh, alam na mga besh ang kalakaran sa ganyan, siguradong mamamayagpag na naman ang mga ganid na negosyante. Jusko, knows na natin ang likaw ng bituka nila, na abangers sila para magtaas sa presyo ng mga bilihin! Eh, ano pa nga ba, me pattern na ‘yan ever since. Hay nako!


Kaya naman, Department of Trade and Industry (DTI) plis lang, kilos na agad, ‘wag ninyong hintayin ang mga ganid na businessmen na mamayapagpag na naman sa tindi ng krisis na dinaranas natin ngayon nagagawa pa nila ‘yan. Plis magpatupad na kayo ng price freeze!


‘Wag ninyong hayaang umeksena na naman ang mga buwitreng negosyante. Igtingan n’yo pa ang pagmo-monitor at pagbabantay sa mga presyo ng mga pangunahing bilihin!

Pakiusap, panagutin n’yo naman sila kapag nag-overprice, walang kadala-dala ang mga ‘yan, eh! Walang mga konsensiya alam naman nilang super hirap ng buhay ngayon dahil sa COVID-19, eh, manlalamang pa! Que horror!


Pansin ko lang, tila manhid na ang maraming negosyanteng Pinoy sa lagay ng kahirapan ng mga mahihirap na Pinoy, wala na silang puso, kita na lang ang nasa utak.


Dapat mapigilan mga ‘yan. Kaya naman DTI, gamitan n’yo na kasi ng kamay na bakal ang mga ‘yan. Hindi na sila nakukuha sa pakiusapan. Kung kailangang pagmultahin at kasuhan, gawin na para naman madala sila! Agree?

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page