top of page
Search
BULGAR

‘Wag daw magtiwala sa taong nambagsak ng 2 beses na… HUGOT POSTS NI GABBY, PATAMA RAW KAY SHARON, FANS TODO-REACT

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Dec. 22, 2024



Photo: Gabby Concepcion / IG


Nilinaw ni Gabby Concepcion na wala siyang pinatatamaan sa kanyang sunud-sunod na posts sa Instagram (IG).


May mga reels kasing ipinost ang aktor na may mga quotations na nakasaad at base sa reaksiyon ng mga netizens, parang sure na sure sila kung sino ang pinahahagingan nito.


Sa isang video ay nakasaad na, “I don’t walk away to teach anyone a lesson. I walked away because the lesson was for me. When to leave, when to stop fighting, when to choose yourself, that’s the real power. And sometimes. . . walking away is the loudest statement of all.”


Komento ng isang netizen, “Here we go again, bakit ba palagi na lang po kayo nauuwi sa ganito, mama babe @reallysharoncuneta.


“@concepciongabby Akala po namin nagkausap at nagkaunawaan na po kayo? Bakit may ganito na naman pong nangyayari? Napakasakit talaga, Kuya Eddie - ShagabNation.”


Sa isang video naman ay may quote na ganito: “Never trust a person who let you down more than two times. Once was a warning. Twice was a lesson, anything more than that is simply taking advantage.”


Komento naman dito ng isang netizen, “Don’t worry, Sir Pogi @concepciongabbysau kami @reallysharoncuneta na feel ko ‘yung feeling ni sir pogi na feel down sa post na proud sa mga exes na nasa politics and never nag-post na naging proud sia kay sir pogi @concepciongabby.”


May iba pang post si Gabby about staying away and losing respect to someone.

Sa kanyang caption ay tinawanan ni Gabby ang mga netizens na nag-iisip na may specific na tao siyang tinutukoy.


“Hahaha! Nakakatuwa naman kayo. This is not for who you think it is,” paglilinaw ng aktor.

Paliwanag pa niya, “Just sharing videos. Enjoy the video if it applies to you or if you can relate. Stay strong everyone.”


Ini-assure rin niya ang mga followers and fans na walang dapat ipag-alala.

“Solid tayo! Don’t worry,” aniya.


 

Ifinlex sa socmed…

KIRAY, NAGPATAYO NG MGA PAUPAHANG BAHAY





Bongga si Kiray Celis dahil nakapagpatayo pala siya ng mga paupahang bahay this year.

Ipinost ng aktres ang kanyang mga achievement this 2024 with matching pictures at aniya, pinag-ipunan daw niya talaga ang pagpapatayo ng paupahan.


“2024 is all about smart saving and smart spending para sa akin. Nag-ipon ako para sa mga paupahan and learned the importance ng choosing the right people and prioritizing needs over wants,” ani Kiray.


Ibinida rin niya na may “me time” pa rin naman siya bilang reward sa kanyang sarili.

“Pero siyempre, after all the hustle, nire-reward ko lang ang sarili ko (dancing emoji), may konting biyahe, tour o pahinga sa ibang bansa!” sey niya.


In fairness naman kay Kiray ay masinop siya talaga sa buhay at matulungin pa sa pamilya, kaya lalong sinusuwerte.

0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page