ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | September 3, 2024
Hindi na itinatago nina Jericho Rosales at Janine Gutierrez ang pagiging mag-“ON” na nila in private man or in public.
At tipong aprub naman sa mommy dearest ni Janine na si Lotlot de Leon si Jericho para sa kanyang dyunakis, sa true lang.
Kunsabagay, wala naman siyang magagawa kung talagang nagmamahalan na nga sina Jericho at Janine, devah naman, mga Marites at tribu ng Mosang?
Pero payo ng some netizens, dapat lang na magtodo-ingat si Janine kay Jericho at huwag gagaya kay Kyline Alcantara na KANDONG QUEEN KAY KOBE PARAS para makaiwas sa buntis isyu.
‘Yun na!
In pernes, ang star-studded ng premiere night ng pelikulang Mamay: A Journey to Greatness (MAJTG), ang tunay na kuwento ni Mayor Marcos Mamay ng Nunungan, Lanao, na ginanap kamakailan sa Megamall Cinema One.
Kumpleto ang cast na dumalo na pinangunahan ni Jeric Raval bilang Marcos Mamay, kasama si Ara Mina bilang Mrs. Marcos Mamay, at marami pang iba.
“This is a very inspiring movie. I want people, especially those who belong to the marginalized sector, to know that there is always hope and opportunities to reach your dreams if you focus all your energies on it.
“Kailangan din na magsumikap ka para maabot ang anumang pangarap mo. This movie tells that poverty is not a hindrance to succeed in life,” ang pahayag ni Mayor Mamay pagkatapos ng nasabing premiere night.
Sa lobby ng Cinema One sa Megamall, nakatsikahan ko si katotong Joey Sarmiento at tinanong ko siya kung totoo na nakulong nang isang gabi lamang sa city jail si Madam Baby F. Go na kasama rin sa MAJTG.
Ang kanyang sagot ay “Hindi totoo ‘yun. Nagpiyansa agad s’ya. Saka mababayaran naman n’ya ‘yung mga sinasabing inutang n’ya, sa totoo lang.”
Ang Mamay: A Journey to Greatness na idinirek ni Neal Tan, ay nai-rate na PG (Parental Guidance) ng MTRCB.
Samantala, inaprubahan din ng Department of Education (DepEd) ang pelikula para sa nationwide screening sa mga paaralan, dahil sa inspirational at educational na nilalaman nito.
SA katatapos lang na pagbabalik-concert sa ‘Pinas ni Jo Awayan na sumikat noong dekada ‘90s sa Cosmo Bar na pag-aari noon ng dating movie producer na si Nancy Nocum at dyowa pa niya noon na si Lovely Rivero ay lantaran namang ipinakilala ni Jo ang kanyang wife for 16 yrs. nang si Angel na tipong nag-perform din sa stage that night of August 31 sa Music Museum.
Yes, proud pa itong si Jo Awayan sa kanyang pagiging t-bird, ‘noh? Na wala namang masama ‘coz may saying na.... “Love knows no gender,” boom ganern!
Producers ng show ni Jo Awayan sina Lovely Rivero at Token Lizares pero nag-perform din that night si Token ng 2 songs at till now ay wala pa ring kupas ang boses at performance sa stage ng tinaguriang Charity Diva, ‘noh?
Kering-keri pa niyang sumayaw sa stage with matching golden voice na kanyang-kanya lang, in pernes, na kahit nasa upuan lang kami ay tipong napapaindak or napapasayaw din sa kanyang dalawang kanta, na tipong groovy at hindi nawawala sa uso.
‘Yan si Charity Diva Token Lizares na habang nagkakaedad ay lalong humuhusay sa pagkanta at pag-perform sa stage, ‘wa kiyems!
Comments