top of page
Search
BULGAR

Wa’ travel line, tanda na ‘di na dapat mag-apply sa abroad

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | Enero 24, 2024



KATANUNGAN

  1. Last year, nag-training ako bilang caregiver. Aalis na sana ako nang bigla akong nagkasakit, kaya hindi natuloy ang pag-alis ko patungong abroad. Nawawalan na tuloy ako ng pag-asa, at mag-iisang taon na rin akong walang trabaho.

  2. Sa tingin n’yo, Maestro, makakaalis pa kaya ako rito? Matagal na kasi akong walang trabaho, hanggang sa naisip kong bumalik na lang sa dati kong pinapasukang amo bilang kasambahay, doon kasi libre pa ang lahat, kaya nakakapag-ipon pa ako, ‘yun nga lang ay stay-in ako roon.

  3. Maestro, may Travel Line ba ang aking palad o wala lang talaga akong pag-asang makapag-abroad, kaya ibinabalik na lang ako sa dati kong trabaho? 


KASAGUTAN

  1. Tama ang desisyon mong bumalik na lang sa dati mong amo, nangyaring ganu’n dahil sa kasalukuyan ay wala namang malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, kung kaya’t tama ang binabalak mong bumalik sa dati mong trabaho kaysa patambay-tambay ka lang ngayon at walang ginagawa.

  2. At tulad ng nasabi na, bumalik ka sa dati mong trabaho, ang pinakamaganda mong dapat gawin ay habang nagtatrabaho ka, mag-ipon ka nang mag-ipon dahil sabi mo nga nakakapag-ipon ka naman du’n. At sa sandaling nakapag-ipon ka na, ang una mong dapat gawin ay magnegosyo, sapagkat mas nagtataglay ka ng malinaw at makapal na Business Line (Drawing A. at B. N-N arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Ibig sabihin, higit kang aasenso sa pagnenegosyo ng mga produktong may kaugnayan sa butil, at basic needs na pang-araw-araw na pangangailangan ng mga tao, tulad ng bigas, asukal, kape, mantika, delata, at iba pang uri nito. Kaya tama na magnegosyo ka, kaysa ipagpilitan mo ang iyong sarili sa pangingibang-bansa na malabo namang mangyari sa kapalaran mo dahil nga wala pa namang nakikitang malinaw na Travel Line sa iyong palad, (t-t arrow 1.)


DAPAT GAWIN

  1. Kaya nga ayon sa iyong mga datos, Daisy, huwag mo na munang asahan o isipin ang pangingibang-bansa. Sa halip, pumasyal ka na sa dati mong amo at muli kang bumalik sa dati mong trabaho.

  2. Sa ganyang paraan sa pamamagitan ng muling pamamasukan bilang kasambahay at sa pag-iipon, darating din ang panahon na kapag may sapat ka ng puhunan, tuluy-tuloy nang lalago ang inyong kabuhayan hanggang sa yumaman ka, na magsisimulang mangyari sa taong 2036, sa edad mong 41 pataas, (Drawing A. at B. H-H arrow c.).



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page