top of page
Search
BULGAR

Wa' raw selos sa ex ng GF… GERALD, GAME PANOORIN ANG MOVIE NINA JULIA AT JOSHUA

ni Beth Gelena @Bulgary| August 19, 2024


Showbiz News
Photo: Geralad Anderson / IG - Circulations / FB

Inamin ng girlfriend ni Gerald Anderson na si Julia Barretto na nag-aalala rin siya dahil sa pagiging real-life superhero ng aktor.


Ani Julia sa isang panayam, “I was worried about him. It’s a proud moment, of course, but I was really worried. But by nature, that’s who he is. I just hope he will be safe doing that for others. It’s a proud moment, but ang hirap, grabe ‘yung worries ko.”

Bukod sa pagtulong, may isa pang passion ang actor mula nu’ng bata siya — ang paglalaro ng basketball. 


Kamakailan lang ay may binubuong project si Gerald, ang Got Game Philippines (GGP). Naghahanap siya ng mga mahuhusay na makaka-buddy niya sa basketball para sa 3x3 competitions. 


Sey niya, “I love basketball, I love the sport. Ang dami kong natutunan nu’ng bata ako. I focused on sports, na-apply ko rin ‘yan sa pag-aartista ko — professionalism, teamwork, work ethics, lahat ‘yan.


“If we could build something para sa mga kabataan, open league, pros, collegiate players, why not? ‘Yun ‘yung vision,” wika pa niya. 


Aniya, ang basketball umano ang kanyang TOTGA (the one that got away). That is why he is paying it forward by opening doors to soon-to-be basketball superstars.


Pahayag niya, “In a way, sabi ko nga nu’ng bata (ako), pangarap kong pumasok sa PBA, pero pumasok ako sa PBB (Pinoy Big Brother). But because of that, I get to do all of these. I can play and travel the world with basketball. So sobrang thankful ako, and this is something na gusto kong ma-experience ng iba.”


Pagdating naman sa love life, Gerald’s wisdom is next level. Tahimik lang daw siya at naka-support kay Julia at sa ex nitong si Joshua Garcia. 


Talagang dumistansiya raw siya habang nagpo-promote ng Un/Happy For You (UFY) ang dalawa. Ayaw umano niyang agawin ang spotlight sa JoshLia dahil nangyayari naman daw ‘yun sa kanilang work na makatrabaho ang ex.


Sabi ni Gerald, “Awkward talaga trabaho namin, ganu’n talaga. I’ve been in that situation before. That’s why I try to be as supportive as possible.”


Dagdag pa niya, “I don’t want to steal the spotlight. Pinaghirapan nila ‘yan, eh, and they know how hard it is to be doing a movie that you want many people to watch.”

Nang tanungin kung panonoorin ba niya ang movie ng JoshLia (Joshua at Julia), “Yes, of course, I’m going to watch the film.”


Wow! ‘Di bitter at walang selos? True kaya ‘yan, Mr. Gerald Anderson? 

Ang sabi pa nga ng mga netizens, kahit lokohin mo raw si Julia ay walang magagalit. Hahahaha!


 

Herbert, ano 'to? RUFFA, OBYUS NA KINILIG NANG SABIHAN NI YILMAZ NA MAGANDA


Showbiz News
Photo: Ruffa Guttierez & Yilmazbektas / IG

May updated post si Ruffa Gutierrez ng kanyang selfie photo kung saan nasa Canada siya. Ang caption ng aktres/former beauty queen: “Bonjour Toronto! My first time here, would you believe it? Thank you to @kabayanremit for flying me in to visit their booth (August 18) at @taateofmanilacanada. Thank you so much to our super friendly kabayans who have showered me with so much love since I arrived.”


Unang nagkomento sa comment section ang ex-husband niyang si Yilmaz Bektas. 

“You look good,” komento ng Turkish ex ni Ruffa. 


Ang ex-couple ay may dalawang anak - sina Lorin at Venice who are both grown-up now. 


Highly-publicized ang paghihiwalay nila nu’ng 2007. Noong 2012, opisyal na na-annul ang kanilang kasal. “Cultural differences” ang dahilan ng kanilang broken marriage. 


Pagkaraan ng sampung taon, muling nagkita ang mag-aama. Pinayagan na ni Ruffa na bumiyahe ang dalawang anak sa Istanbul noong 2022. 


Ang pagkomento ni Yilmaz ay nagpapakita ng magandang relasyon na mayroon sa pagitan ng dating mag-asawa. Lalo na sa parte ni Ruffa, tuluyan nang nag-heal ang sugat sa kanyang puso. 


Komento ng mga netizens… “Happy that you are friends, always love your kids.”


“Let’s accept the fact that they are friends, supporting each other for their children.”


Panunukso naman ng isang netizen, “Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig, muling pagbigyan ang pusong nagmamahalan... Aminin mo madame @iloveruffa, kinilig ka.”


Naku, ano kaya'ng masasabi ni Herbert Bautista d'yan?


 

Kinagigiliwan ng mga netizens ang mga posted photos ni Albie Casiño kasama ang kanyang mag-ina sa Baguio. Bukod sa kanyang mag-ina, kasama rin nina Albie ang kanyang mga magulang. 


Tila ikinagulat naman ng ilan na meron nang anak ang aktor. 


Sey ng mga netizens, “Omg (Oh, my God)! May anak ka na pala, Albie.”


“So cute, they all look happy.”


“Wow, a beautiful and happy family.”





0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page