top of page
Search
  • BULGAR

Wa’ raw paki ang ibang tao… NADIA, UMAMING ‘DI KAY BOY ASISTIO ANG BUNSONG ANAK

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | June 27, 2024



Showbiz news

“Hindi ko ito itinago sa mga taong dapat nakakaalam, hindi ko rin ito itinago sa mga mahal ko sa buhay, hindi ko itinago sa anak ko (bunso), hindi ko itinago kay Boy (Asistio), hindi ko itinago sa mga kapatid ko,” ito ang diretsong sagot ni Nadia Montenegro sa tanong ni Julius Babao sa vlog nitong Unplugged kung totoong may anak siya na hindi ang dating mayor ng Caloocan City ang ama.


Nag-trending kasi ang panayam ng isang aktor kamakailan na napapanood ngayon sa YouTube na may panganay daw siyang anak bukod sa anak nila ng asawa.

“Nu’ng nangyari ‘yan, nag-trending, kalmado lang kami sa bahay. ‘Di ba, nakakatawa feasting on somebody else’s life?” sey ni Nadia.


Sa pagpapatuloy ng aktres tungkol sa bunsong anak, sa pananaw ng ibang tao, “In fact, all these years, it’s so difficult to other people to understand (na) ‘Bakit okay sila? Bakit nagtagal sila ni Boy? Bakit sila okay ng mga anak niya kung may ganito?’ “Common sense, guys, sa tingin n’yo, hindi ko inayos ‘to? Sa tingin n’yo, hindi ko pinlano ‘to? Tingin n’yo, hindi ko pinroblema ‘to? Buhay ko ‘to, buhay ng anak ko, pangalan ng asawa ko, pangalan ko.


“But I don’t think I owe anyone an explanation kung anuman ang ginawa ko sa buhay ko.  

“Napatawad ako ng Panginoon, maayos na namayapa si Boy nang okay kami. Maayos ang mga anak ko sa pagkakaintindi ko. Wala akong pinagsinungalingan sa pamilya ko,” pangangatwiran ng aktres.


“Dagdag pa, ‘yung mga nangyari sa buhay ko in the past, siguro umabot sa 17 (o) 18 years na naitago ko,” dagdag pa niya.


Walang pagsisisi sa parte ni Nadia ang pagkakaroon niya ng anak na iba ang ama sa iba pa niyang mga anak.


“No! What I got from him was one of my biggest blessings.


“She’s the most beautiful, na pinalaki ko siya na punumpuno ng pagmamahal, punumpuno ng respeto sa tatay n’ya. Isa si Boy sa mga nagbigay ng pangalan sa kanya, sa nagpaaral sa kanya, sa nagmahal sa kanya, walang puwedeng magkuwestiyon outside our circle. I am not unfazed by… wala akong pakialam sa kanila.


“Basta Juls, kung nasaan man ako ngayon, dahil sa hirap ko, dahil sa hiningi kong patawad sa Panginoon at ramdam na ramdam ko na ibinibigay Niya sa ‘kin ang laya.

“Yeah, there are also people who we need to pray for in this business na talagang who are feeding, eating everyday through ruining lives of other people, ‘yun ang kailangan nating ipagdasal,” pahayag pa ng aktres na ngayon ay empleyado na ni Senator Robin Padilla sa Senado.


Sey pa ni Nadia, “Juls, if there’s something that I can be proud of being a mother, I make sure that in every crisis, it just makes us stronger, it will never make us fall, promise ko ‘yan sa mga anak ko. We got no one else. Wala kaming ibang mga kakamping mag-iina kundi si Lord.”


Sagot naman niya sa tanong kung gusto pa bang makipagkita muli ng anak niya sa tatay nito, “As of now, hindi kasi, isang beses pa lang silang nagkita tapos biglang in-announce na agad. So, nasaan du’n ang intensiyon mo na magkaroon ng relationship o gusto mo ng views, gusto mong mapag-usapan o gusto mong mag-promote? Ilagay mo sa tama kung ano ang intensiyon mo, kasi ramdam na ramdam ko.

“Ayaw na ng anak ko and give me a reason why? Are you even worth it to be called a dad?” tanong ni Nadia sa tatay ng anak niyang bunso na hindi niya pinangalanan sa vlog ni Julius.

0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page