top of page
Search
  • BULGAR

Wa' raw 'K' sa Senado… MGA ARTISTANG PULITIKO, DAMAY SA PAGIGING NEGA NI SEN. JINGGOY

ni Ambet Nabus @Let's See | August 26, 2024


Showbiz News
Photo: Jinggoy Estrada / FB

May mga nagsasabing “pakana” ng mga kalaban ni Sen. Jinggoy Estrada ang nag-viral na video nito kung saan makikitang nakikipagtalo siya sa isang babae. 


Binabatikos at binabato ngayon ng samu’t saring masasakit na salita ang senador na laging laman ng social media nitong mga nakaraang linggo, simula nu'ng mga hearing tungkol sa “sexual offense”. 


‘Yun nga lang, sobrang negatibo ang naidudulot nito sa kanyang imahe at tila pinalalabas pang ang hanay ng mga artistang pulitiko ay ‘wala umanong karapatan’ sa Senado. 


Mapapa-aguy ka na lang talaga dahil mukhang kahit ang showbiz ay tila hindi sila kinakampihan sa ngayon? May ganu’n?


 

Humihingi ng ayuda… WILLIE, BINABAAN NG PHONE ANG HOME VIEWER NA SUMALI SA SHOW NIYA


Showbiz News
Photo: GMA / YT

Para sa iba, kabastusan ang ginawa ni Willie Revillame na babaan ng phone ang isang lucky home viewer na sumulat sa show para sa tulong o ayuda. 


Pero para sa mga regular viewers at talagang nakatutok sa programa, nararapat lamang ang ginawa ng host. 


Nagkataon kasi na nu'ng makausap ni Willie ang dapat bibigyan ng ayuda o premyo, nanonood ito ng katapat na programang Family Feud (FF). 


May mechanics ang Wil to Win (WTW) na dapat ay ‘live’ na nanonood ang isang home partner para makuha ang premyo. 


So, sino ngayon sa inyong palagay ang lumabas na bastos?


 

Pinatulan ni Bela Padilla ang post ng ilang netizens na nagsabi na hindi bagay ang talino niya sa It’s Showtime (IS). Bukod daw kasi sa ‘smart at sosyal’ nitong imahe, very promising umano ang venture nito bilang writer-director, bukod sa pagiging aktres sa showbiz. 


Sa naturang show daw kasi, na malaking bahagi ay ang ‘laitan, bastusan, at pagtawa’ at the expense of themselves sa pangunguna ni Vice Ganda at “gang” nito, ay “off” ang klase ng talino ni Bela.


Sinagot ni Bela na simula pa noong 2017 ay madalas siyang naiimbita sa show at ang ‘gang ni Vice Ganda’ ay never siyang binigyan ng isyung nega at hindi niya kailanman na-feel na nagmumukha siyang “stupid”. 


“If one is truly smart, they can adapt to any environment. I always have the best time when I am on Showtime,” bahagi pa ng tugon ni Bela.


May mga defenders naman ang show na nag-enumerate ng mga ‘classy and smart hosts’ na hindi naman nagmumukhang ‘engot’ sa show, tulad nina Anne Curtis at Karylle. 


May usapan din kasing may plano ang show na hatiin ang araw ng ibang hosts dahil may mga gaya ni Bela Padilla na nais bigyan ng chance na maging semi-regular member ng programa.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page