top of page
Search

Wa’ paki sa mga netizens… KYLINE, TODO-KANDONG KAY KOBE KAHIT SA HARAP NG PAMILYA

BULGAR

ni Nitz Miralles @Bida | Feb. 1, 2025




May isyu na naman kina Kyline Alcantara at Kobe Paras dahil nakunan ng picture na nakakandong na naman ang aktres sa BF niya. 


Nangyari ito nang ma-meet ng Kapuso actress ang relatives at friends ng boyfriend sa Los Angeles, California. Kampante lang siguro ang aktres sa relatives ni Kobe kaya napakandong na naman siya.


Sa larawan, makikitang may game pa na sinalihan ang KyBe (Kyline at Kobe) at masaya ang lahat. Ang mga bashers lang ni Kyline ang nag-iingay at comment ng mga ito, umariba na naman si Kandong Queen. Tanong din ng mga ito, wala na bang ibang upuan para kumandong si Kyline kay Kobe?


Karamihan ay kinilig sa pagkandong ni Kyline kay Kobe at wala raw masama sa ginawa nito. Sabi pa nila, naiinggit lang ang basher at wala silang kandungan na kasingguwapo ni Kobe.


Hindi pa nagkita si Kyline at ang mom ni Kobe na si Jackie Forster at ang pamilya nito. Pero, may chance pa rin na sila’y magkita dahil sa Instagram (IG) nag-post si Kobe na pinapupunta sa Manila ang mom niya. 

Sagot ni Jackie, “Working on it!”


 

Finale episode na bukas, February 2, ng Tolome! Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (TWMNPSMNM) na pinagbibidahan ni Senator Bong Revilla, Jr.. 


Para ipaalam ang pagtatapos ng action series, magkakaroon ng motorcade this Saturday, February 1, sa ilang parte ng Manila at ilang kalapit na lugar kasama ang cast ng series.


Ang Season 3 ang pinakamaiksing season ng action-comedy series, seven weeks lang ito tumakbo dahil sa elections. 


Magsisimula na ang campaign period kung saan, muling tatakbong senador si Bong at bawal na siyang mapanood sa telebisyon at pelikula, kaya kailangang tapusin ang series nila ni Beauty Gonzalez.


Sa last episode ng series, masasagot kung bakit may pubmat o publicity material na wedding dress ang suot ni Beauty at naka-coat and tie naman si Bong. 


Ang nasabi lang nito sa Facebook (FB) Live, may renewal of vows sina Tolome (Bong) at Gloria (Beauty). Magkukuwento pa sana si Bong, sinaway lang siya ng asawang si Lani Mercado para raw walang spoiler.


Ang ipinangako ni Bong, malalaking action scenes ang mapapanood sa final episode, gaya ng kotse na lumilipad at may tao sa harap ng sasakyan. Nag-congrats ito sa mga stuntmen na pawang mahuhusay.


“Sa last episode ang may pinakamahirap na stunts na ginawa namin. May tao sa ibabaw ng kotse na paliliparin, nagawa ‘yun ng stuntman. Ako naman ang gumawa ng sarili kong stunt, complicated s’ya, pero nagawa natin. Gusto ko lang purihin ang mga nakasama naming stuntmen at si Director Enzo Williams, ang gagaling nila,” sabi ni Bong.


Malalaman natin kung magkakaroon pa ng Season 4 ang TWMNPSMNM, mami-miss kasi ng viewers sina Tolome (Bong) at Gloria (Beauty) kapag hindi na sila napanood. Saka, nag-e-enjoy si Bong na gawin ang action-comedy series.


 

Iba pang katukayo, ipinahahanap din…

YASSI, SINAGOT ANG PAG-AARAL NG BATANG KAPANGALAN NIYA



Ang generous ni Yassi Pressman sa mga kapangalan niya. Gaya na lang ng batang babae na na-meet niya sa Cebu City during the Sinulog Festival. 


Habang namimili, may lumapit kay Yassi na nanay na may kasamang bata na kaya naman inilapit ng nanay sa aktres para makilala at ipaalam na ipinangalan sa kanya ang bata.


Nalaman ni Yassi na Grade 1 na si Princess Yassi at agad nangako ng special gift sa batang kapangalan niya.


Sabi ni Yassi, “Sige, sagot ko na ‘yung Grade 2 n’ya.”


Napasigaw ang nanay ni Princess Yassi at inihabol ni Yassi na ang kanyang team ang kukuha sa details ng bata, gaya ng address nito sa Cebu City at kung saan ipadadala ang pera.


Dagdag ni Yassi, “Unexpected special moments are simply the best. Salamat Carbon Market, kay mommy at baby Yassi for making our Cebu trip extra memorable.”


Goal ni Yassi Pressman na ma-meet lahat ang mga batang ipinangalan sa kanya. Last year, naging emotional ito nang malaman sa driver ng ride-hailing service na pinangalanan nitong “Yassi” ang anak after her.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page