ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | July 18, 2024
Dear Maestro,
Tandang-tanda ko ang sinabi mo noon, Maestro, na magka-compatible ang Libra at Aquarius, dahil pareho silang air type sign.
Pero nagtataka ako, dahil kakakasal pa lang namin, at wala pa kaming isang tao na nagsasama. Sa loob ng ilang buwan, marami na agad kaming mga bagay na hindi mapagkasunduan, at madalas din kaming mag-away. Nakakahiya man sabihin, pero ang isang Aquarius pala ay hindi araw-araw naliligo? Habang ang Libra naman na tulad ko ay madalas maligo, dahil sa alinsangan na nararamdaman ko.Naliligo ako umaga’t gabi, pero ‘yung asawa ko, minsan lang sa isang linggo kung maligo. Hindi ko alam kung nagtitipid lang ba siya sa tubig, o hindi lang talaga siya mahilig sa tubig.
Ang isa ko pang napansin, napakatahimik niya. Kung hindi ko siya kakausapin, hindi rin siya magkukuwento ng kanyang mga problema. Pero kapag nakakasama at nakakainuman niya ang mga kaibigan niya, sobrang daldal niya. Napakaseryoso niyang tao ngayon, hindi tulad noong nililigawan niya pa lang ako, medyo may pagka-comedy ang dating niya kahit na may pagkabaduy.
Sa totoo lang, ang pagpapatawa niya na iyon ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya. Hindi siya mahilig sa artista o entertainment, pero mahilig naman siya sa basketball.
Sa pagpili pa lang ng ulam, nagtatalo na kami, magkaiba kasi kami ng paboritong ulam.
Hindi rin siya masyadong showy pagdating sa kanyang nararamdaman, at pagdating naman sa sex, kakaiba talaga siya, at kung minsan hindi ko siya masakyan.
Maestro, sa palagay mo ba magtatagal pa ang aming relasyon? Ang birthday ko ay October 4, 1995, habang February 16, 1992 ang mister ko.
Umaasa,
Zandra ng P. Gomez Street, Pasig City
Dear Zandra,
Compatible kayo, dahil ang birth date mong 4 ay siya ring numero ng mga Aquarius. Bukod sa pagiging Aquarius niya, lapitin siya ng mga numerong 4 at 8 o “four-eight personality”, kaya nga na-magnet mo siya. Higit lalo kung ikaw ay medyo chubby, mababa ang height, sexy at maganda.
Lumalabas lang ang hindi n’yo pagkakasundo dahil sa totoo lang, isip bata pa kayo ngayon. Iyan ang isa sa mga katangian ng mga Aquarius. Kumbaga, hindi n’yo man napapansin, pero medyo may pagka-demanding kayong dalawa. Ibig sabihin, kahit Libra ang zodiac sign mo, may pagka-Aquarius pa rin ang personality mo na lihim niyang nagustuhan sa iyo.
Hindi mo lang masabi na sa lahat ng naging boyfriend mo, siya ang pinaka-weird at kakaiba sa lahat. Unconsciously o hindi mo namamalayan, iyong mga incompatibilities n’yo na iyan ang lalong humuhubog sa inyo upang mas tumibay ang inyong samahan.
At sure akong may nakikita ka sa kanya na hindi mo maipaliwanag sa kabila ng mga negatibong katangian na napapansin at nakikita mo sa kanya. Parang madalas na laging sinasabi ng unconscious self mo ay, “Bakit kaya ganito ‘tong taong ito? Bakit mahal ko pa rin siya sa kabila ng lahat?” Ganundin siya sa iyo, sa kabila ng pagiging demanding mo, ang dami-daming mong pinababago sa personal niyang buhay. Hindi niya rin maipaliwanag kung bakit mahal na mahal ka pa rin niya. Iyan ang hiwaga ng pag-ibig na nagaganap sa inyong dalawa, at dahil nga bagong kasal pa lang kayo, unti-unti n’yong matutuklasan ang mas malalim at mas marami pang hiwaga ng inyong pagkatao upang mas lumalim at tumibay pa ang inyong samahan at pagmamahalan.
Sa 12 zodiac signs, ang Aquarius ang pinaka-abnormal na nilalang, iyon ang mister mo, pero ‘wag kang matuwa! Dahil sa siyam naman na numero, mula 1 hanggang 9, kasama ang mga taong isinilang sa petsang 4, 13, 22, at 31, ay siya namang hindi rin gaanong normal na nilalang, katulad mo.
Ibig sabihin, pareho kayong may pagka-weird. Oo, kapwa kayo espesyal at may pambihirang nilalang. Sa pagiging iba n’yo sa lahat, tuluy-tuloy na iikot ang mundo, iikot nang iikot ang kamay ng orasan at sa bawat araw ay patuloy n’yong itong tutuklasin ng may tuwa at pagtataka, hiwaga at galak hanggang sa tumanda n’yo.
Habang tumatagal, katulad ng biscocho na tinapay, lalong titigas at sasarap ang inyong pagmamahalan. Parang harina at asukal na dinarang sa mainit na pugon, hindi na magkakahiwalay ang bubuuin n’yong relasyon kahit magkasunug-sunog pa ito. Dahil sa katunayan, natagpuan mo na ang anino mo sa kanya, habang siya naman ay natagpuan na ang anino niya sa iyo. Ito ang tinatawag na “the shadow within” kung ang psychologist na si Carl Jung ang magsasalita. Ang shadow na ito ay palagi mong kasama, pero asar at inis ka sa kanya.
Samantalang ang “shadow” mo na kumakatawan sa iyong mister ay naguguluhan din. Pero kahit ano’ng iwas, tanggi, at kahit ano pa ang gawin n’yo, hindi n’yo magagawang paghiwalayin ang inyong mga sarili. Ang inyong anino ay nakatakda para sa isa’t isa na magsama habambuhay.
relasyon. Ilang libong taon na rin ang nakakaraan nang sabihin ng Greek philosopher na si Aristotle ang katagang, “Love is composed of a single soul inhabiting two bodies.”
Comments