top of page
Search
BULGAR

Wa’ na nga kita ang mga tsuper, pinagkaitan pa sa ayuda

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | August 19, 2021



Nakapanlulumo ang balita na isang porsiyento lang ng P5.58 bilyong ayuda ang naipamigay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na nakalaan para sa mga driver at operator ng public utility vehicles.


Ayon sa 2020 report ng Commission on Audit, nasa P59 milyon lamang ng P5.58 bilyong pondo ng Service Contracting Program ng LTFRB.


Nasa 29,800 drivers o 49.79 percent din lamang ng target na 60,000 driver participants ang nairehistro sa programa sa pagtatapos ng 2020.


Tinanggalan na nga ng kabuhayan ang mga jeepney driver natin, pinagkaitan pa sila ng kinakailangang ayuda.


☻☻☻


Hindi katanggap-tanggap ang ginagawang panggigipit at pagpapabaya ng LTFRB.

Malaki sana ang maitutulong ng Service Contracting Program na dapat pantawid-gutom ng mga pamilya ng nasa transport sector.


Sa kabila ng paghihikahos ng mga manggagawa sa transport sector, krimen ang kawalan ng aksiyon ng mga naatasang itaguyod ang kanilang kapakanan.


Ang panawagan natin sa LTFRB at Department of Transportation, double-time naman sa pagkilos. Nagdurusa at nauwi na sa paglilimos sa kalsada ang mga pinagsisilbihan ninyo.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang pahalaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page