ni Angela Fernando - Trainee @News | December 5, 2023
Hinimok ni dating Senador Leila de Lima si Bise-Presidente Sara Duterte nu'ng Lunes, Disyembre 4, na magbitiw bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) matapos hindi sumang-ayon sa desisyon ng pamahalaang magpatawad sa mga rebelde at ituloy ang usapang kapayapaan sa komunistang grupo.
Saad niya sa kanyang post sa 'X', wala sa hurisdiksiyon ng Vice-Pres. bilang kalihim ng edukasyon ang usaping kapayapaan.
Aniya, "She should resign as Deped Sec if she keeps on publicly opposing BBM's Cabinet policy decisions that have nothing to do with DepEd."
Iginiit ni De Lima na bilang kalihim ng edukasyon, si VP Sara ay bahagi ng Gabinete ni Marcos at maaari lamang niyang punahin ang mga patakaran ng punong ehekutibo kung siya ay nagsasalita bilang bise presidente.
Matatandaang nagbigay ng amnestiya sa dati at mga kasalukuyang miyembro ng mga rebeldeng grupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nu'ng Nobyembre 24.
Kommentare