ni Rohn Romulo - @Run Wild | December 4, 2022
Nakatakdang gawin ng Best Director ng The 5th EDDYS na si Erik Matti ang prequel ng award-winning na On The Job: The Missing 8 na itinanghal din na Best Film ng Editors' Choice Award ng SPEEd.
Ang critically-acclaimed political crime thriller franchise ay muling pagsasamahan ni Direk Matti at ng award-winning screenwriter na si Michiko Yamamoto.
Mamarkahan ang ikatlong pelikula sa On The Job trilogy na nagsimula sa Cannes' Directors' Fortnight noong 2013 at nakapaglakbay sa buong mundo.
Ang On The Job ay inspirasyon ng isang iskandalo sa totoong buhay kung saan ang mga preso ay pansamantalang inilalabas mula sa bilangguan upang magtrabaho bilang mga contract killer sa ngalan ng mga pulitiko at matataas na opisyal ng militar.
Ang prequel ay ginagawa nina Matti at Ronald Monteverde sa ilalim ng Reality MM Studios na nakabase sa Maynila.
Kukunan ito sa isla ng Mindanao kung saan si Pedring Eusebio na gagampanan ni Jericho Rosales, ang tiwaling alkalde ng isang kathang-isip na lungsod na La Paz, ay umangat sa kapangyarihan.
Makakasama ni Echo si Ryan Agoncillo bilang si Rene Pacheco, isang mataas na opisyal ng militar na pumapasok sa pulitika. Ang iba pang kasama sa cast ay iaanunsiyo pa sa susunod na buwan.
Kaabang-abang din kung makakasama pa ang award-winning actor na si John Arcilla at award-winning supporting actress na si Lotlot de Leon.
Nakatakdang magsimula ang paggiling ng kamera sa third quarter ng 2023 kaya mahaba-haba pang panahon ang magiging paghahanda nina Jericho at Ryan para sa kanilang mapaghamong characters.
Reaction naman ng mga netizens na gulat na gulat sa pagkakasama ng asawa ni Judy Ann Santos sa OTJ….
"Mas maganda siguro kung sequel kaysa prequel. Okay si Jericho, no doubt na marunong umarte. Nahasa na ng panahon. Pero Ryan Agoncillo, haller? Host, puwede, pero actor? Eh, sa Krystala ko lang siya naaalala, eh, at 'yung Kasal, Kasali, Kasalo. Thanks to Juday pa 'yun."
Pagtatanggol ng ilang netizens:
"Nasa Pieta siya as Rigor, may ibubuga! He acted opposite the great Cherie Gil."
"May hapon-serye siya noon with Ms. Cherie Gil and I could say na kaya niyang makipagsabayan kay the Miss Cherie Gil."
Opinyon pa nila:
"Nice. Ang ganda kasi talaga nito, one of the locals na talagang nagandahan ako. Good luck, guys, sana mas maganda pa 'yan."
"Mas nagandahan ako ru'n sa 1st film (Gerald Anderson, Joel Torre, Piolo Pascual, etc.). 'Di ba, gusto pang gawan ng Hollywood version 'yun? Sinubmit sana nila 'yun dati sa Oscars."
"Kung na-appreciate n'yo 'yung kina Piolo, sa akin, itong kina Dennis at John ang pinaka-the best.
Hindi naman sobrang garbo ng production compared sa Star Cinema produced na nauna, pero may angat ang story at acting ng mga characters ng The Missing 8. Ang galing din ni Vandolph.
Nalimutan ko na si Vandolph 'yung pinapanood ko."
"I'm another commenter and I share same thoughts. Wala nang bagong material na maisip si Matti kaya he's really milking this one narrative. Parang The Fast and The Furious lang.
Walang bitter o nasasaktan 'te, 'wag kang OA."
"I've never seen On The Job but medyo biased 'yung critique ng mga tao about this being milked.
That's basically what Marvel/Disney, Fast and Furious, Cathy M./Vice-Ganda movies are, and patok na patok sa 'Pinas 'yung mga 'yun."
"Bago n'yo sana i-judge na milking the hype, sana panoorin n'yo muna at napapanahon sa takbo ng lipunan ngayon."
Tanong naman ng isa pang netizen, "Kailan naman uumpisahan 'yung project ni Matti with Ms. Vilma Santos at 'yung project niya with Angel Locsin and Edu Manzano?"
Kommentarer