ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | June 20, 2024
Hinihimok natin ang National Food Authority na gumamit ng vulnerability map para masigurong matutulungan ang mga magsasakang nangangailangan.
Matagal nang napapabayaan ang ating mga rice farmer – hindi lang pagdating sa bilihan ng palay, kundi pati na rin sa mga ibinibigay na ayuda at tulong sa pagsasaka.
Sa pamamagitan ng pagtarget ng mga lugar na may mataas na concentration ng naghihirap na magsasaka, mas magiging epektibo ang paggamit ng NFA ng mga pondo nito.
Kung aayusin ang sistema ng pagbili ng NFA sa bigas, may potensyal na matulungan nito hindi lang ang mga konsyumer na umaaray sa mataas na presyo ng bigas, kundi pati ang ating mga magsasaka na makapagbebenta nang mas mataas kaysa farm-gate prices.
☻☻☻
MARIIN nating kinokondena ang agresyon ng Chinese Coast Guard sa ating mission ship malapit sa Ayungin Shoal noong June 17.
Mahirap paniwalaan na ang supply ship pa ang may sala samantalang maraming ulat ng mga katulad na insidente ng pagbangga ng CCG sa ating mga bangka, maging ng mga foreign-flagged vessels.
Nananawagan tayo sa Chinese Coast Guard na tigilan ang agresibong aksyon at ipakita ang pagkakaibigan at mabuting pakikitungo na ipinamamalas natin sa kanila.
Kung totoong kaibigan natin ang China, nais nating maunawaan nila na hindi natin
sinasaktan ang mga kaibigan natin.
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comments