VTV Vietnam swak sa semis, Baic China binigo ang Angels
- BULGAR
- 1 day ago
- 1 min read
ni MC @Sports News | Apr. 26, 2025
Photo: PVL
Umabot pa ng apat na sets bago tuluyang ginapi ng VTV Binh Dien Long ng Vietnam ang Taipower ng Taiwan sa 2025 AVC Women's Champions League sa Philsports Arena kagabi. Dinale ng VTV ang Taipower sa bisa ng 25-20, 25-17, 25-22 at 28-26 upang pumasok na sa semis ang Vietnam.
Sa laban ng Petro Gazz Angels kagabi sa Baic China umabot sa 5th set ang bakbakan hanggang sa maupos ang team Pilipinas sa bisa ng 31-29, 25-19, 25-20, 25-20 at 15-12.
Nagawa pang makadikit ng Gazz sa 29-31 sa first set at naipanalo ang set 2 sa 25-19 sa ipinakitang laro nina Giovanni Day, Brook Van Sickle at Jonah Sabete.
Positibo naman si Creamline skipper Alyssa Valdez sa kabila ng maagang pag-empake ng koponan sa AVC Women's Champions League.
Dumanas ang Cool Smashers ng pagkatalo sa 15-25, 22-25, 16-25 kontra Southeast Asian squad Nakhon Ratchasima sa knockout quarterfinal noong Huwebes.
Pero sa kabila ng mabilis nilang pag-eksit sa torneo, sinabi ni Valdez na isang "good experience" ang pagsagupa sa AVC Cup, kung saan ang kanilang sistema aniya ay napahamon nang husto sa pinakamahuhusay na team sa kontinente at naibigay nilang lahat ang kanilang makakaya.
"It’s quite a good experience to go outside of your comfort zone every once in a while," ani Valdez.
"I guess one thing that we appreciate from this tournament, iba rin makipaglaro sa ibang teams, sa iba’t-ibang sistema. Nacha-challenge and napu-push din talaga 'yung sistema namin," dagdag niya. "Doon mo rin makikita kung ano ba 'yung mga things to improve namin, individually and as a team."
Comments