ni Angela Fernando @News | Oct. 5, 2024
Nagpahayag ng pasasalamat si Bise-Presidente Sara Duterte sa mga guro para sa pagdiriwang ng World Teachers' Day nitong Sabado.
Pinuri ni Duterte sa kanyang video message sa Facebook ang mga gurong Pilipino para sa dedikasyon at kasipagang ipinamamalas nila upang maayos na gampanan ang kanilang mga trabaho.
"We are grateful for the sacrifices you make in shaping the minds of young Filipinos and inspiring them to become responsible citizens. Your tireless efforts in classrooms and communities demonstrate your commitment to building a stronger nation," saad ng Bise-Presidente.
Hinimok din ni Duterte ang mga guro na paingayin ang tema ng pagdiriwang na “Together4Teachers” sa 'Pinas.
תגובות